MULING tumikim ang Gilas Pilipinas ng blowout loss, sa pagkakataong ito’y sa kamay ng powerhouse Serbia, 126-67 kagabi sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Dahil sa kabiguan, hindi na makauusad sa next round ang Philippine team. Laban sa Italy noong Sabado ng gabi kung saan natalo rin ang Gilas Pilipinas, 108-62, mas maganda ang ipinakitang laro ng mga Filipino, subalit, sadyang malakas ang Serbian team sa pangunguna ni NBA star Nikola Jokic. Bukod kay Jokic, hindi rin napigilan ng Gilas sina Bogdan Bogdanovic, Nemanja Bjelica, at Miroslav Raduljica na…
Read MoreTag: GILAS
OUTSIDE SHOOTING, ‘DI GUMANA; GILAS PILIPINAS, BUGBOG SA ITALY
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) FOSHAN, CHINA – Hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas, nang bugbugin ng Italy, 108-62 kagabi sa pagbubukas ng kampanya nito sa FIBA World Cup ditto. Ang paglampaso ng Italy sa mga Filipino ay personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kung matatandaan ay nagkomentong matatalo ang Pilipinas sa koponan ng Italy. At iyon nga ang kanyang nasaksihan, kasama si Sen. Bong Go. Bago ang laro, pinuntahan ni Pangulong Duterte sa dugout ang Gilas Pilipinas para i-good luck ang koponan ni coach Yeng Guiao.…
Read MoreFIBA WORLD CUP: PILIPINAS VS ITALY: LABAN, GILAS, LABAN!
LARO NGAYON: (FOSHAN, CHINA) 7:30 P.M. — PHILIPPINES VS ITALY (NI JJ TORRES) FOSHAN, China — Malalaman na ngayong gabi kung magbubunga ang tatlong buwang paghahanda ng Gilas Pilipinas, sa pagharap nila sa koponan ng Italy sa pagbubukas ng FIBA World Cup sa Foshan International Sports and Cultural Center ditto. Alas-7:30 ng gabi ang laro, na ayon kay national head coach Yeng Guiao, ay dedetermina kung makapapasok ang Gilas sa second round ng global competition. Laban sa Italy, mapapasabak ang Pinoy dribblers laban sa NBA players na sina Danilo Gallinari…
Read MoreGILAS VS ITALY; PINAKA-IMPORTANTENG LABAN
(NI JJ TORRES) IKINUKUNSIDERA ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na pinakaimportanteng laban ang opening assignment nila, dahil ang resulta ay magdedetermina kung may tsansa silang makapasok sa second round ng World Cup. Magiging importante din ang laro dahil na rin sa schedule na pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng kanyang state visit sa China. Kailangang magtapos sa top two ang Gilas para makalusot sa second round na gagawin sa Wuhan. Kung hindi ay malalaglag ang Pilipinas sa isang classification round para sa 17th hanggang 32nd places…
Read MoreGILAS PILIPINAS: ROUGH ROAD TO CHINA
SPECIAL FEATURE (NI JOSEPH BONIFACIO) SA hinaba-haba man ng prusisyon, sa China din ang tuloy. Iyan ang destinasyon ng Gilas Pilipinas na isang linggo na lamang ay sasalang na sa pinakamalaking tanghalan ng basketball sa buong mundo – ang 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15. Subalit hindi makinis, madali at swabe ang naging daan ng Gilas Pilipinas – bagkus – lubak-lubak, matarik at mahabang ruta ang kanilang binagtas. Upang makapasok sa World Cup, sumalang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers…
Read MorePDU30, XI MANONOOD NG LARO NG GILAS SA CHINA
(NI BETH JULIAN) MANONOOD sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidnet Xi Jinping sa laro ng Gilas Pilipinas sa China. Isasagawa ang 2019 FIBA World Cup sa China kung saan makakaharap ng Gilas sa opening game ang Italy. Ayon kay Robert Borje, pinuno ng Presidential Protocol, posibleng makaharap din ng Pangulo ang Gilas habang siya ay nasa China. “We’re working on it. But definitely the President of course wants to support the team Philippines,” pahayag ni Borje. Gayunman, wala na sa schedule ng Pangulo ang pagpunta sa Fujian Province sa…
Read MoreMALABO NA SI CLARKSON
(NI JOSEPH BONIFACIO) HINDI pa pinapangalanan ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ang final 12 players nito na sasabak sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Pero, ayaw nang umasa ni Guiao na mapapasama pa sa lineup si Fil-Am NBA player Jordan Clarkson. Sa send-off kahapon sa Meralco multi-purpose hall, sinabi ni Guiao, na walang indikasyon na papayagan ng FIBA si Clarkson na makapaglaro sa national team para sa World Cup na magsisimula sa Agosto 31. “Mukhang wala na si Jordan,” sambit ni Guiao. “It’s too late at this…
Read More‘JOKE’ NI DU30: HAMON, MOTIBASYON NG GILAS
(NI JJ TORRES) POSITIBO ang pagtrato ni head coach Yeng Guiao sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tsansa ng Gilas Pilipinas at nais niyang gawin itong hamon at motibasyon sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Matatandaang sinabi ni Duterte na walang tsansa ang Gilas na manalo laban sa Italy, ang unang team na kakalabanin ng pambansang koponan sa World Cup sa Agosto 31, dahil na rin sa kanilang height advantage. Habang nag-ani ng magkaibang reaksyon ang mga wika ng punong ehekutibo sa…
Read MoreGILAS PILIPINAS U19, LUHAAN SA GREECE
(NI JOSEPH BONIFACIO) LUHAAN ang Gilas Pilipinas youth squad nang kaldagin ng Serbia, 87-60 at tuluyan nang napatalsik sa kontensyon ng 2019 FIBA U19 World Cup kahapon sa Heraklion, Greece. Ranked no. 30 sa mundo, pumalag pa sa umpisa ng laro ang Nationals, 22-18 laban sa world no. 4 Serbia, subalit nagpakawala ng mabigat na 17-1 birada ang Serbians upang biglaang ibaon sa 39-19 ang iskor at hindi na nilingon pa ang mga Pinoy. Umabot pa sa 29 puntos ang kalamangan ng European powerhouse tungo sa malaking 27-puntos na panalo.…
Read More