‘JOKE’ NI DU30: HAMON, MOTIBASYON NG GILAS

yeng77

(NI JJ TORRES)

POSITIBO ang pagtrato ni head coach Yeng Guiao sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tsansa ng Gilas Pilipinas at nais niyang gawin itong hamon at motibasyon sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup sa Foshan, China.

Matatandaang sinabi ni Duterte na walang tsansa ang Gilas na manalo laban sa Italy, ang unang team na kakalabanin ng pambansang koponan sa World Cup sa Agosto 31, dahil na rin sa kanilang height advantage.

Habang nag-ani ng magkaibang reaksyon ang mga wika ng punong ehekutibo sa social media, mas nanaisin pa ni Guiao na hindi siya maapektuhan at ang buong Gilas team.

“It doesn’t really bother us,” wika ni Guiao sa isang interview sa ESPN5. “I guess you just have to take that from a positive point of view, your attitude should be positive. We should be able to just keep believing in ourselves.”

“We look at it as a challenge. The best approach is to look at it as a challenge, just keep believing in what you can do,” dagdag pa ng fiery mentor.

Kinakailangan ng Gilas na matapos sa top two sa Group D na kinabibilangan din ng world powerhouse Serbia at dating African champion Angola para makalusot sa second round ng World Cup.

Dapat magtapos bilang best-placed Asian team ang Gilas para makasungkit ng spot sa Tokyo Olympics, at ang pag-earn ng spot sa second round ay mas magbibigay sa kanila ng chance na matupad ang hangaring ito.

Samantala, tinalo ng Gilas ang Ivory Coast, 94-83, para tapusin ang serye ng exhibition games sa Guadalajara, Spain.

Nagtala ng 18 points, seven rebounds at 10 assists si Andray Blatche upang makabawi ang Gilas mula sa 28-19 deficit sa unang yugto.

Ang panalo ay nangyari isang araw matapos tambakan ng national cagers ang Congo sa iskor na 102-80.

Papunta na ang Gilas sa Malaga para lumahok sa four-team pocket tournament na kasama ang dalawang African countries at ang host na Spain.

158

Related posts

Leave a Comment