(NI CHRISTIAN DALE) WALA pang opisyal na posisyon ang Malakanyang hinggil sa posibilidad na pagpapatupad o hindi ng holiday ceasefire sa NPA. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kanya itong ikokonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang may pinal na desisyon sa pagdedeklara o hindi ng holiday truce sa rebeldeng grupo. Una rito ay kapwa nagpahayag sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Ano na magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte upang huwag magdeklara ng suspension of military operation o SOMO kontra NPA. Ito’y dahil na rin aniya…
Read More