(NI BERNARD TAGUINOD) Ilang panahon na lang ay madaragdagan na ang buwis na binabayaran ng mga motorista taon-taon sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan matapos lumusot sa committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang itaas ang singil Road User’s Tax (RUT). Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na siyang nag-apruba sa panukala, aabot sa P40 Billion ang inaasahang maidaragdag sa koleksyon sa buwis sa loob ng tatlong taon sa pagtataas sa RUT na kilala din Motor Vehicle Users Charge (MVUC). Sa ilalim ng…
Read MoreTag: house panel
BRGY, SK ELECTION SA 2023, LUSOT SA HOUSE PANEL
(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Inaprubahan ng komite na sa halip na sa Mayo 2020 ay gagawin na ito sa Mayo 2023. Matatandaan na una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na itakda sa Oktubre 2022 ang Barangay at SK Election subalit umapela ang Commission on Elections(Comelec) na panatilihin ang 1 year gap sa pagdaraos ng national at barangay election, ang susunod na…
Read MoreIKAAPAT NA YUGTO NG TAX REFORM OK SA HOUSE PANEL
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa House Committee on Appropriations ang 4th Package ng Comprehensive Tax Reform Program(CTRP). Isang pagdinig lang ang ginawa ng komite sa pag-apruba sa House Bill 304 o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act of 2019 alinsund sa House Rule 10 Section 48 na nagtatakda na isang hearing lamang ang kailangan ng komite para pagtibayin ang isang panukala na una nang pumasa noong 17th Congress. Ayon kay Committee chair Rep. Joey Salceda aabot sa P4.2 Billion ang kikitain ng gobyerno sa nasabing tax reform package…
Read More