REPORMA SA SK ISINUSULONG NI NOGRALES 

Rep Fidel Nograles-2

(NI KIKO CUETO) ITINUTULAK ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang pagrerepaso sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, kabilang na dito ang pagkakaloob ng honorarium o mabigyan ng kabayaran ang ginagawang trabaho ng SK members. “Ginagampanan ng ating mga SK ang kanilang tungkulin sa publiko, gayon man, maliban sa SK Chair, ang ibang SK officials ay karaniwan ding gumagawa ng boluntaryong trabaho,” paliwanag ni Nograles. Inamin ni Nograles na base sa kanilang pagsusuri, nagiging problema ang pagkuha ng mga mga miyembro. “Sapagkat ang kanilang tungkulin ay hindi bayad, nahihirapan ang…

Read More

21-0; PAGPAPALIBAN SA BRGY, SK ELECTIONS LUSOT SA SENADO

BRGY-SK-TERM

(NI NOEL ABUEL) LUMUSOT na sa Senado ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa botong 21-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na nagsusulong na itakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa December 5, 2022. Isinasaad din sa panukala na isasagawa ang Barangay at SK elections kada tatlong taon. Ang ipinasang Senate Bill No. 1043 ay pinagsama-samang limang panukala na nakapaloob sa Committee Report No. 4 at inisponsoran ni Senador Imee Marcos, bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and…

Read More

BRGY, SK ELECTION SA 2023, LUSOT SA HOUSE PANEL

comelec123

(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Inaprubahan ng komite na sa halip na sa Mayo 2020 ay gagawin na ito sa Mayo 2023. Matatandaan na una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na itakda sa Oktubre 2022 ang Barangay at SK Election subalit umapela ang Commission on Elections(Comelec) na panatilihin ang 1 year gap sa pagdaraos ng national at barangay election, ang susunod na…

Read More

TERMINO SA BRGY, SK NAIS GAWIN NA 5 TAON

congress12

(ABBY MENDOZA) SA halip na May 2020, nais ni Isabela Rep. Faustino Dy na ilipat sa May 2023 ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ayon kay Dy, isusulong nya sa 18th Congress ang pagpasa ng  House Bill No. 47. Sinabi ni Dy na mahalagang i-postpone ang eleksyon upang mas marami pang magawa ang mga opisyal. “Need for barangay executives to serve full five-year terms to better serve their constituents and to ensure uninterrupted government frontline services,”giit ni Dy sa isang statement. Sa panukala ni Dy ay gagawin nang 5…

Read More