(NI FRANCIS SORIANO) ANUMANG araw ay nakatakda nang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang foreigners na kinabibilangan ng Chinese at Korean matapos itong maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) dahil sa pagkakasangkot sa krimen sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na si Huang Kun, 36, Chinese national fugitive, at Lee Byungchul, 53, Korean national. “BI will be deporting the two foreigners for undesirability and for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by their respective governments. They can no…
Read MoreTag: illegal aliens
PEKENG PASSPORTS, ID BUKING SA 2 ILLEGAL ALIEN
(NI FRANCIS SORIANO) NANAWAGAN ngayon ang Bureau of Immigration (BI) ng imbestigasyon sa mga sindikatong nasa likod ng gumagawa at nagpapakalat ng Philippine passports at iba pang identification documents ng mga illegal aliens, matapos maaresto ang dalawang Indian national. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang suspek na naaresto na sila Satbir Sandhu, 25, at Mandish Sandhu, 24, residente sa isang high-rise condominium sa Mandaluyong City, matapos magpanggap na Filipino gamit ang pekeng dokumento. Ayon kay Morente, pinangunahan ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., ang pag-aresto sa mga suspek…
Read MorePALASYO UMAMIN; PAGDAGSA NG CHINESE NAKAAALARMA
(NI BETH JULIAN) AMINADO ang Palasyo na nababahala na ang pamahalaan sa pagdagsa ng mga Tsino sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masyado nang marami ang mga Tsino na nakapapasok sa bansa kaya kailangan nang pagtuunan ng pansin. Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na isang “security threat” ang pagdagsa ng mga Chinese workers sa Pilipinas. “We are worried kasi nga masyadong marami, may influx na magtataka ka kung paano sila nakapapasok? So hindi lang worry sa number, may worry pa kung paano sila…
Read MoreWORKING VISA NG 538 DAYUHAN KAKANSELAHIN
(NI FROILAN MORALLOS) NAKATAKDANG ipakansela ng Bureau of Immigration (BI) ang mga visa ng aabot sa 528 foreign nationals na nagtratrabaho sa bansa kaugnay sa pagkakadiskubre na may maanomalyang nangyari sa pagkuha ng kanilang mga visa. Kabilang sa aalisan ng visa ang 259 Indians, 230 Chinese, 14 Koreans, 11 Japanese, 5, Taiwanese, 3, Vietnamese, German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese, at isang Yemeni. Ayon sa impormasyon na nakalap mula sa BI, ang sinasabing mga dayuhan ay nagtatrabaho sa anim na kumpanya sa Pilipinas na bilang mga BI illegal alien. Sinabi ni Morente…
Read MorePALASYO KUMAMBYO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS
KUMAMBYO ang Palasyo sa naunang sinabing hayaang magtrabaho sa bansa ang mga illegal Chinese workers at sa halip ay iniba ang ihip ng hangin at idiniin na mananagot sa batas ang sinumang nagtatrabaho nang illegal sa bansa. Naunang sinabi ng Pangulo na hindi siya pabor na paalisin ang mga illegal Chinese workers sa bansa sa pangambang gumanti ang bansang China at pauwiin ang may 300,000 Pinoy workers na nagtatrabaho roon. Sa panayam, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ipapatupad ang batas sa sinumang Chinese workers na illegal na nagtatrabaho…
Read More‘MAY MANANAGOT SA PAGDAGSA NG FOREIGN WORKERS’
(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ni Senador Joel Villanueva ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) para kasuhan ang sinumang opisyal at tauhan nito na sangkot sa pagdagsa ng maraming dayuhang manggagawa sa bansa. Ito ang pahayag ng senador sa muling paggulong ng pagdinig ng Senate Committee on Labor kung saan iginiit nito na dapat na masampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang sinumang mapapatunayang responsable sa pagdami ng bilang ng mga foreign workers partikular ng mga Chinese nationals. “I think the Bureau of Immigration should identify…
Read More276 DAYUHANG WALANG WORK PERMIT, HULI SA MAKATI
(NI FROILAN MORALLOS) NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 276 mga dayuhan sa Makati City dahil sa pagtatrabaho ng walang working permit at working visa, ayon kay Commissioner Jaime Morente. Ayon pa kay Morente, nadiskubre ng kanyang mga tauhan na ang sinasabing bilang ng foreigner ay konektado sa mga online gaming business o tinatawag nila na network technology company sa Ayala Avenue Makati City . Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga nahuli ay walang maipresentang dokumento na magpaaptunay na lehitimo ang…
Read More30 ILLEGAL ALIENS HULI SA P’QUE
(NI FROILAN MORALLOS) INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) operatiba nitong nakalipas na araw ng Hwebes ang tatlong pong (30) chinese national na nagtratrabaho sa ilang establisimyento sa Paranaque ng walang work permit mula sa pamahalaan . Sinabi niBI Commissioner Jaime Morente, na nahuli sa akto ng kanyang mga tauhan ang 30 dayuhan sa kanilang pinaglilingkuran na walang maipakitang proper visa or permit na galing sa pamahalaan . Nadiskubre ang mga ito makaraang salakayin ng BI raiding team ang 16 establishments sa Solemare Parksuites at Aseana Power Station, na matatagpuan…
Read MoreDAYUHAN SARAP-BUHAY SA SELDA; GADGETS NAGLIPANA
(NI ROSE G. PULGAR) IBA’T IBANG uri ng kontrabando ang nakumpiska mula sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos ang sorpresang inspection na isinagawang ng mga awtoridad Huwebes ng hapon. Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspection. Nakumpiska mula sa detention cell ng mga foreign national ang mga iba’t ibang uri ng kontrabando tulad ng mga cellphone, portable air condition units, portable wifi, mga bakal na gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at…
Read More