LIPOSUCTION CLINIC IPINASARA NG MAKATI CITY GOV’T

lipo44

(NI DAVE MEDINA) IPINASARA ng Makati City government ngayong Huwebes ang Contours Advanced Face and Body Sculpting na sangkot sa pagkamatay ng liposuction victim na taga-Negros dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. Sa panayam ng kay Makati City Police PIO at Crimes Against Person Section Chief PMaj. Gideon T. Ines, kinumpirma ng opisyal na may kautusan si Mayor Abbey Binay na isara ang Contours Advanced Face and Body Sculpting na matatagpuan sa 2nd Floor ng  South Park Plaza sa Paseo De Magallanes, Makati City dahil sa tax deliquency o…

Read More

21 KALYE SA MAKATI SARADO SA HOLY WEEK

MAKATISAKSI12

(NI ROSE PULGAR) NASA 21 kalye sa lungsod ng Makati ang isasara  (Abril 14) bilang paghahanda sa tradisyon na pagtatayo ng kubol o tinatawag na kalbaryos para sa Semana Santa. Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, isasara ang mga kalye simula alas-6:00 ng umaga ng Linggo ng Palaspas hanggang alas-10:00 ng gabi sa Linggo ng Pagkabuhay Abril 21. Ang mga isasarang kalye ay ang mga sumusunod Gen. Luna Street (mula P. Burgos Street hanggang Mercado Street) – Enriquez Street (mula Don Pedro Street hanggang Fermina Street) – San Marcos Street…

Read More

AUSSIE DINUKOT NG MGA CHINESE, NABAWI NG PNP

chinese

(NI NICK ECHEVARRIA) NAILIGTAS NG PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang Australian national mula sa kamay ng kanyang Chinese kidnappers, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni PNP spokesperson SSupt. Bernard Banac ang Australyanong si Jianting Chen na na-rescue sa isang operasyon na isinagawa ng PNP-AKG sa 9387A Calantas St. Barangay San Antonio, Makati City ganap na ala-1:30 ng hapon. Kasalukuyan namang bineberipika ang pangalan  ng tatlong nadakip na Chinese ng mga sumalakay na tauhan ng PNP-AKG. Binati naman ni PNP Dir. Gen. Oscar Albayalde ang Anti-Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/CSupt.…

Read More

276 DAYUHANG WALANG WORK PERMIT, HULI SA MAKATI

BI 100

(NI FROILAN MORALLOS) NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 276 mga dayuhan sa Makati City dahil sa pagtatrabaho ng walang working permit at working visa, ayon kay Commissioner Jaime Morente. Ayon pa kay Morente, nadiskubre ng kanyang mga tauhan na ang sinasabing bilang ng foreigner ay konektado sa mga online gaming business o tinatawag nila na network technology company sa Ayala Avenue Makati City . Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga nahuli ay walang maipresentang dokumento na magpaaptunay na lehitimo ang…

Read More

ARREST WARRANT VS TRILLANES HINILING SA CA

trillanes200

(NI TERESA TAVARES) HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG)  sa Court Appeals (CA) na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa kasong coup d’etat kaugnay sa 2003 Oakwood mutiny. Sa petisyon nito, inihirit ng OSG sa appellate court na ipawalang-bisa ang mga naging kautusan ni Makati RTC Judge Andres Soriano na nagbasura sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na mag-isyu ng arrest order. Ayon sa OSG, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa bahagi ni Soriano nang hindi ipaaresto si Trillanes. Umapela rin ang…

Read More