HIDWAAN NG AMERIKA AT IRAN, SAAN HAHANTONG?

Sa Ganang Akin

ILANG araw pa lang mula nang nagpalit ng taon ngunit tila napakarami nang nangyari hindi lang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. Nariyan ang nangyayaring bushfire sa Australia, ang patuloy na pagbuga ng volcanic ash ng bulkang Taal na nakaapekto na sa ­maraming kalapit na lugar pati  sa Metro Manila, at ang pinangangambahang posibilidad ng pagkakaroon ng World War III bunsod nang pag-ata­keng ginawa ng Amerika sa Iran ilang linggo ang nakakaraan. Sa kabila ng napakara­ming kaganapan, isa pa rin ang usapan ukol sa pag-atake ng Amerika sa…

Read More

OFWs SA IRAN, IRAQ ILILIPAT SA QATAR

IRAN-IRAQ

MAGSASAGAWA na nang evacuation ang gobyerno ng Pilipinas para sa mga Filipino na maiipit sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran. Sa isang panayam, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na dadalhin ang mga Pilipinong makakasama sa forced evacuation mula sa mga bansang Iran at Iraq sa ligtas na lugar sa Qatar. Isasakay ang mga ito sa barko patungong Qatar. “Mandatory nga iyong evacuation eh kapag nagkaroon na ng sobrang putukan doon,” ayon kay Sec. Panelo. Ang problema lamang aniya, karamihan sa mga Pinoy sa bansang Iran ay…

Read More

PINOY SA IRAN ILILIKAS; AFP INALERTO NG PALASYO

Spokesperson Salvador Panelo-3

INALERTO ng Malakanyang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad na ikasa ng pamahalaan ang forced evacuation para sa mga Pilipinong maiipit sa matinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. “Eh kung nanganganib ang kanilang buhay, siyempre gagawin ang lahat ng pamahalaan upang mailigtas sila sa kapahamakan,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Gayunman, sa ngayon aniya ay wala pang forced evacuation na gagawin ang pamahalaan. “Yung nanganganib ang kanilang buhay at saka yung gusto kasi hindi mo rin mapilit kung ayaw nilang sumama sa’yo. May…

Read More

OFWs SA MIDDLE EAST PINABABANTAYAN

(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat ituon lamang ng gobyerno ang contingency plan nito para mailikas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Iran at Iraq kung patuloy na lumala ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ito ang sinabi ngayon ni Senador Imee Marcos sa harap ng banta ng Iran na gagantihan nito ang Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Middle East bunsod ng pagkakapatay sa top military leader nito na si Qasem Soleimani sa isinagawang US air strike noong Biyernes sa Baghdad, Iraq. “Hindi…

Read More