(NI CHRISTIAN DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na dagdagan ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mabantayang mabuti ang Mindanao dahil sa banta ng terorismo. Ani Duterte, kailangan ang 35,000 dagdag na puwersa pero kung hindi pa aniya kakayanin ng pondo ay puwede na ang 20,000 para sa bagong recruitment. Pumiyok ang Chief Executive na isa sa matinding pinangangambahan nito ay ang banta ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria na nakapasok na aniya sa ilang lugar sa…
Read MoreTag: ISIS
AFP NAKAALERTO VS PINOY NA ‘SUICIDE BOMBERS’
(NI AMIHAN SABILLO) HINDI na tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa ng profiling sa mga pinaghihinalaang suicide bomber sa central Mindanao. Matapos kumpirmahin ng PNP at AFP na isang Filipino ang isa sa suicide bomber sa nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu. Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt Gen Cirilito Sobejana puspusan ang kanilang profiling dahil base sa kanilang monitoring mayroong mga Pinoy na hinahasa ngayon ng mga ISIS para maging suicide bomber. Bagamat aniya wala silang eksaktong bilang kung ilan ang…
Read MoreAFP SA SULU BLAST: PINOY, 1 ANAK NG MOROCCAN, SUICIDE BOMBERS
(NI JESSE KABEL) KINILALA na ng Armed Forces of the Philippine na isa sa mga hinihinalang suicide bombers ay Pinoy na anak ng isang babaeng Tausug at Balik-Islam naman ang ama nito. Sa isang phone interview kay AFP Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Cirilito Sobejana, nakilala nila ang unang suspek nang kunin ng mga magulang ang nalabi sa katawan ni Norman Lasuca, ang itinuturong naunang suicide bomber. Ayon kay Sobejana, kabilang ang 23-anyos na si Lasuca sa teroristang grupo ng Abu Sayyaf, sa ilalim ng Hatib Sawadjaan faction ng…
Read MoreSULU BOMBING; 8 NA PATAY
(NI JG TUMBADO) UMAKYAT na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagpapasabog sa loob ng kampo ng militar sa Sulu Biyernes ng hapon. Ang naturang pag-atake ay isinagawa sa pansamantalang kampo ng Philippine Army First Brigade Combat team sa Barangay Kajatian. Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, tatlo sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo pang sibilyan ang namatay at ang dalawang suspek na may dala ng bomba. Nasa 12 naman ang nasugatan sa insidente. Naniniwala si Philippine Army…
Read MoreMARAWI SIEGE PART 2 FAKE NEWS – BRAWNER
(NI JESSE KABEL) MARIING PINABULAANAN ngayon ng Philippine Army (PA) ang bantang muling sasalakayin ng ISIS-influenced terrorist ang lungsod ng Marawi kasabay ng nagaganap na religious activites sa Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut ng nasabing siyudad. “ Please be informed that there is NO TRUTH to the rumor that there will be another siege that shall happen in Marawi City due to the alleged presence of ISIS-inspired terrorists in the three-day Juhor currently happening at Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut,” pahayag Brigadier General Romeo Brawner, Jr. ng 103rd Brigade. Ayon…
Read MoreMETRO NAKAALERTO SA ISIS
(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T wala pang nakikitang direktang senyales na maghahasik ng kaguluhan at karahasan sa Metro Manila, matamang na binabantayan ng awtoridad ang galaw ng ISIS. Bunsod ito ng pagkaaresto ng dalawang magkapatid na sinasabing tagasuporta ng nabanggit na teroristang grupo sa Baggao, Cagayan. Sa gitna nito, inihayag ni PNP chief Oscar Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko. Hawak ang search warrant, hinalughog ng awtoridad ang bahay nina Altero at Greg Cariaga kung saan nakita ang mga armas at bala gayundin ang bandera na katulad sa ISIS na…
Read More100 ISIS TERORIST NASA BANSA PINABULAANAN NG DND
(NI JESSE KABEL) IBINASURA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang teorya ni Professor Rommel Banlaoi, chair ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research, na nasa 100 na ang foreign terrorist na naglulungga sa Pilipinas at patuloy na lumalaki ang bilang nito. “I would like to debunk that theory of Mr Banlaoi, I think he was saying that there were already 100 Islamic State of Iraq and Syria o ISIS in Mindnao. We don’t see those people there. Not that much,” ani Lorenzana. Sinabi pa ng kalihim na maaring may kaunti…
Read MorePAGTATAYO NG BASE CAMP NG ISIS MINOMONITOR
(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Malacanang na malaking bagay na hindi dapat ipagsawalang bahala ang ulat na planong gumawa ng base camp sa Pilipinas ang Islamic State of Iraq (ISIS). Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, kailangang gawan ng nararapat na aksyon ang nasabing isyu dahil nakasalalay dito ang seguridad ng bansa. Itinuro ni Panelo sa Department of National Defense ang pagsasagawa ng nararapat na hakbang kaugnay sa nasabing balita dahil anya ito ang mayroong obligasyon na tiyakin ang seguridad ng bayan at ng bawat…
Read MoreFOREIGN TERRORISTS AKTIBO SA PAGRE-RECRUIT SA REGION 12
(NI JG TUMBADO) MAHIGPIT nang binabantayan ngayon ng mga otoridad ang aktibong pagkilos ng umano’y mga dayuhang terorista na iniuugnay sa Islamic State (IS) sa ilang lugar sa Rehiyon 12 (SOCCSKSARGEN). Sinabi ni Supt. Aldrin Gonzales, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 12, sa ngayon ay patuloy ang mga dayuhang bandido sa paghihikayat ng mga bagong miyembro mula sa Sultan Kudarat at North Cotabato. Paliwanag ni Gonzales, naramdaman ng mga otoridad ang pagpasok ng mga terorista nang marekober mula sa serye ng operasyon ng militar at pulisya ang maraming bandila…
Read More