(NI HARVEY PEREZ) MALAKI ang posibilidad na mai-proklama na ngayon araw (Linggo) ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong senador sa natapos na mid-term electons nitong Mayo 13. Ito ay dahil sa nasa 98.08% na ang pumasok na election returns sa Comelec transparency server, dakong alas 9:08 ng umaga ng Sabado. Gayundin, nasa 87.43% na o 146 ng 167 Certificate of Canvas ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes. Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na tentative alas- 4:00…
Read MoreTag: James Jimenez
‘AREAS OF CONCERN’ SA ELEKSIYON DARAMI PA — COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang posibilidad na madaragdagan pa ang bilang ng mga lugar na maidedeklarang “areas of concern” sa buong bansa. Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez, habang papalapit ang araw ng halalan sa Mayo 13. Sinabi ni Jimenez na nagsasagawa na ng validation ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na posibleng maisama sa idedeklarang “areas of concern”. Ito ay sa mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa politika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng…
Read MoreCOMELEC, 90% NANG HANDA SA ELEKSIYON
(NI HARVEY PEREZ) NASA 90% na umanong handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng 2019 national and local elections sa Mayo 13. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dapat sana ay 95% nang handa ang Comelec kung hindi nagkaroon ng mga paglindol. Nabatid na kumikilos ngayon ang Comelec para alamin ang lawak ng naging pinsala ng malakas na lindol sa mga pasilidad na gagamitin para sa pagsasagawaan ng halalan. Nasa proseso na rin umano ang poll body ng pag-analisa sa kahandaan ng bawat pasilidad kung saan gagawin…
Read MoreMABABANG OVERSEAS VOTER TURNOUT INAASAHAN NG COMELEC
(Ni FRANCIS SORIANO) INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang mababang turnout ng boto para sa overseas absentee voting para sa midterm elections. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pangkaraniwan na umano na mababa ang voter turnout tuwing midterm election kaysa sa presidential election kaya malabo na mas mataas ang voter turnout ngayon kung ikukumpara noong 2016 presidential election. Base sa kanilang tala ay 21% mula sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan isasagawa ang overseas voting ang inaasahan ng poll…
Read MoreHILING NA DEBATE NG OTSO DIRETSO IBINASURA
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng oposisyon na official debate para sa senatorial candidates na tumatakbo sa 2019 midterm elections. Inilabas ng komisyon ang desisyon isang linggo matapos magpetisyon ang ilang Otso Diretso bets na humihiling sa poll body na maglabas ng batas at magsagawa ng public debates. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang pagbasura ay ibinase sa tatlong kasagutan: na ang pagsunod sa kahilingan ng Otso Diretso ay nangangahulugan lamang ng pagkiling sa ilang senatorial candidates o slates; imposible rin umanong maisakatuparan ito dahil…
Read MoreLISTAHAN NG PARTY-LIST GROUP INILABAS NA NG COMELEC
INILABAS na ng Commission on Elections ang listahan ng mga party-list group at mga nominado nito, Biyernes ng gabi, ayon kay spokesperson James Jimenez. Sinabi ni Jimenez na ang paglabas ng listahan ay upang malaman ng publiko nang mas maaga ang mga dapat nilang iboto sa midterm elections, maging ang mga tao sa likod ng party-list. Umaabot sa 134 party-list group ang makikisa sa eleksiyon na umaasang magkaroon ng posisyon sa House of Representatives. 153
Read MoreILANG SENATORIAL BETS MAKAKASUHAN NG COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na napipintong makasuhan ng paglabag sa Fair Elections Act, ang ilang senatorial candidates, na nadiskubreng may mga nakapaskil pang illegal campaign posters. Gayunman, hindi ito pinangalanan ni Guanzon pero sila ay pinadalhan na ng written notice ng Comelec. Sinabi ni Guanzon na ang mga naturang senate bets, ay kinabibilangan ng dalawang incumbent senators. Nabatid na ilang beses na silang pinagsabihan pero hindi naman nila pinatanggal sa kanilang mga supporters. Ayon kay Guanzon hindi tatanggapin ng Comelec ang katwiran ng…
Read MoreIMPRENTA NG BALOTA UUMPISAHAN NA
(NI MITZI YU) TULUY- TULOY na ang paghahandang ginagawa ng Commission on Election (Comelec) para sa nakatakdang pag-imprenta ng mga gagamiting balota sa May 2019 midterm elections. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez na nakatakda sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan. Kahit na wala pang nailalabas na opisyal na listahan ng mga kandidato na siyang pagpipilihan ng mga botante. Kaugnay nito, target naman ng Comelec na sa lalong madaling panahon na maipalabas na ang opisyal na listahan nang sa…
Read More