Sa kabila ng pagmamayabang ng economic managers ng ating bansa sa idudulot na kaunlaran ng Rice Tariffication Law, sa aktwal, maraming magsasaka pa ang lalong naghirap dahil sa batas na ito. Nilulubog sa utang ng batas na ito ang maraming magsasaka. Ang Rice Tariffication Law ang naging tugon ng pamahalaan sa krisis sa bigas na kinakaharap ng Pilipinas taun-taon. Ang ginawa ng Rice Tariffication Law ay liberalization ng bigas, ibig sabihin, ito ay pagpayag ng pagpapasok ng mga bigas galing sa ibang bansa. Para sa mga magsasaka, ito ay tuluyang…
Read MoreTag: KAKAMPI MO ANG BAYAN
MAS MALAKING ROLLBACK PA DAPAT SA PETROLYO!
Pagkatapos ng transport strike noong nakaraang Lunes, nagkaroon ng pagbaba ang presyo ng gasolina. Karamihan sa presyo ng gasolina ay bumaba ng P1.45/L, ang diesel ay bumaba ng P0.60/L, at P1.00/L naman sa kerosene. Ngunit, ayon mismo sa Department of Energy (DOE) Director na si Rino Abad, dapat ay mas malaki pa ang rollback. Aniya, ang gasolina ay dapat na bumaba sa halagang P1.60-1.70, sa diesel ng P0.60-0.70 at P0.90-1.00 ang kerosene. Sinabi rin niya na dapat ipaliwanag ng mga oil company kung bakit hindi pareho ang kompyutasyon nila sa…
Read More20 TAON NG BAYAN MUNA: LABAN, BAYAN!
Noong Setyembre 25, 1999 ay itinatag ang Bayan Muna. Dala ang politika ng pagbabago, naging boses ang Bayan Muna ng mga mahihirap at inaapi. Itinatakwil ng Bayan Muna ang tradisyunal at maruming politikang namamayani sa bansa at isinusulong nito ang Bagong Politika: Ang interes ng mayoryang naghihirap, hindi ng iilang naghaharing uri. Ang politikang nakabatay sa prinsipyo at programa, hindi sa personalidad at utang na loob. Ang tapat at malinis na paglilingkod-bayan, hindi ang pangungurakot at pandarambong ang ipinakita ng Bayan Muna sa loob ng dalawang dekada. Ipinamalas ng Bayan…
Read MoreKAILANGANG SAGUTIN NG PALASYO ANG ISYU NG HUMAN RIGHTS VIOLATIONS
Isa na namang anti-corruption na organisasyon ang bumatikos sa record ng gobyerno ng Pilipinas sa larangan ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Para sa progresibong partidong Bayan Muna, dapat nang sagutin na ng administrasyong Duterte ang mga resulta ng pag-aaral ng Global Witness, isang international organization na nag-aaral sa kalagayan ng mga bansa sa larangan ng karapatang pantao, korapsyon, kalikasan, at iba pang mga isyu. Sa kanilang ulat, sinabi nilang matindi ang atake na ginagawa ng mga pwersa ng estado at paramilitary groups sa mamamayan lalo na sa human…
Read MorePAMBANSANG BUDGET 2020: BUDGET PARA SA PAGPATAY, PAGPAPAYAMAN NG IILAN
Tutol ang Bayan Muna sa pag-apruba ng Kongreso ng pambansang budget sa taong 2020. Tutol ang progresibong partido sa budget na para sa pagpatay, sa pagsikil sa karapatan ng mamamayan, at ang budget na batbat ng pondong pork barrel. Sinusuhayan ng panukalang badyet 2020 ang madugong track record ng administrasyong Duterte sa pamamasalang. Ito ay pag-igting sa giyera laban sa droga, sa anti-insurgency, sa paglabag sa karapatang pantao, at pagsugpo umano sa kriminalidad. Umakyat ng 40% ang badyet para sa Defense ngayong taon. Ang PNP ay binigyan ng P184.9 billion,…
Read MoreMAY MALAKING TAAS SINGIL SA LANGIS!
Dahil sa mga ligalig sa Middle East ay pinapangambahan ang panibagong malaking pagtaas sa presyo ng langis. Dagdag pahirap ito lalo na sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan! Para kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares at kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, lalong kailangan na makita ng taumbayan kung paano pinepresyuhan ng mga oil company ang produktong petrolyo. Unbundling of oil prices ang tawag rito, kung saan makikita nang malinaw kung anu-ano ang pinagkakagastusan upang bigyang-katwiran ang presyo ng produktong petrolyo. Inatake ng Iranian-backed na grupong Houthis ang…
Read MoreNO SA CITIRA!
Bumoto ng NO sa TRAIN Package 2 o CITIRA ang Bayan Muna dahil naniniwala ito na hindi para sa interes ng mamamayang Filipino ang pagbababa ng Corporate Income Tax mula sa kasalukuyang 30% pababang 20%. Hindi maitatanggi na sa TRAIN 1, mas binuwisan ang mga mahihirap at binabaan ang buwis ng mga mayayaman. Ang mga mahihirap na dati nang hindi nagbabayad ng personal income tax dahil sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay napahamak lang dahil sa TRAIN 1, dahil ang tanging natanggap nila rito ay mas mataas na buwis…
Read MoreEMERGENCY POWERS SA TRAFFIC, PAGKAKAKITAAN LANG?
Marahil kaya gustung-gusto ng ilang mapagsamantalang negosyante at opisyal ng gobyerno ang pagbaba ng emergency powers on traffic dahil malaki ang kikitain nila sa mga kontratang kaugnay nito. Mula pa 2016, ay tinutulak na ng ilang indibidwal ang emergency powers sa trapiko. Mayroon ba silang dahilan sa pagtutulak nito? Kung ating susuriin ang Traffic Crisis Bill sa 17th Congress na bahagi ng panukalang emergency powers, makikita na magkakaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa transport workers, malaking kapangyarihan para sa traffic chief, at ang posibleng pribatisasyon sa lahat ng mass…
Read MorePANIBAGONG MILITARISASYON SA LIANGA, KINONDENA NG LUMAD NA KONGRESISTA
Mariin ang pagkondena ni Bayan Muna Representative at lider Lumad na si Ka Femia Cullamat ang bagong militarisasyon sa kanilang lugar sa Lianga, Surigao del Sur mula pa noong ika-16 ng Agosto. Ang mga traktora at mga makinang pandigma ng AFP ay nakaistasyon sa KM 6 sa Barangay Diatagon sa kasalukuyan. Ani Rep. Cullamat, “Napakalinaw na binabalewala kaming mga Lumad at nais burahin ang aming kasaysayan sa aming lupang ninuno kung saan matagal na kaming naninirahan at namumuhay.” Nang dumating muli ang dagsang militar noong ika-16 ng Agosto, dalawang dayalogo…
Read More