(NI BERNARD TAGUINOD) NAGSIMULA nang mag-ambagan ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para itulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan si Presidential son at Davao City Rep, Paolo Duterte umano mismong nag-iikot sa mga kongresista para tumulong. “Si Deputy Speaker Paolo Duterte umikot kaninang umaga. So despite the fact na mayroong siyang activity sa sariling office ngayong lunch, inuna niya talaga iyong mga naapektuhan ng lindol,” ani Cayetano. Hindi nagtakda ang Kamara kung magkano ang iaambag ng…
Read MoreTag: KAMARA
BUILDING CODE REREBISAHIN NG KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng mapanirang lindol na naganap sa bansa nitong mga nakalipas na taon kung saan ang huli ay sa Mindanao, nakatakdang rebisahin ng Kamara ang National Building Code para matiyak na ang mga itatayong gusali ay nakaaayon sa mga mas malalakas na pagyanig. Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano lubhang matagal na ang pinaiiral na Building Code at hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon. “The House would assess whether the old construction standards are still appropriate for the risks the country is facing from natural…
Read MoreDIVORCE BILL UUSAD NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T marami ang tumututol, binigyan pa rin ng prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magkaroon ng Divorce Law sa Pilipinas upang matulungan ang mga kababaihan na makawala sa ‘bad marriage”. Ito ang nabatid matapos ilagay ng House Committee on population and family relation sa kanilang priority agenda ang House Bill (HB) 838 o An Act Introducing Divorce in the Philippines na inakda ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Ikinatuwa ito ni Brosas dahil ito na lamang umano ang pag-asa ng mga kababaihan na tuluyan makawala…
Read MoreKONTRA SA 2020 BUDGET PINAGLALATAG NG ALTERNATIBO
(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ng 2020 General Appropriations Bill, umaapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga tumututol pa rin dito na huwag puro kritisismo ang gawin at sa halip ay maglagtag ang mga ito ng alternatibo. Ani Cayetano, maari naman na maghain ng kanilang bersyon ng institutional amendments at masigasig ang Kongreso na makikipag-ugnayan sa department secretaries para sa mga isyu sa bawat distrito partikular sa mga polisiya. Kaisa umano ng mga tumutol sa pambansang pondo ang…
Read MoreSIBAK KAY FAELDON ‘DI SAPAT; MANAGOT DAPAT — SOLONS
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGBUNYI ang mga mambabatas sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Bureau of Correction (Bucor) director general Nicanor Faeldon subalit kailangang panagutin ito sa pagsalaula sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Sa pagkakahiwalay na reaksyon, ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang aksyon ni Duterte laban kay Faeldon subalit kailangang mapanagot ang dating opisyal dahil kung hindi ay walang maniniwala sa anti-drug at anti-corruption campaign ng Pangulo. “Charges must be filed against him and the others who made a mockery of our laws,” ani Bayan Muna…
Read MoreP4.1-T BUDGET ISUSUMITE NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) ISUSUMITE na bukas, Martes, ng Department of Budget and Management (DBM), ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang napag-alaman sa tanggapan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez ukol sa kopya ng national budget na pormal nang isusumite ni DBM acting Secretary Wendel Avisado sa mga ito. Karaniwang isinusumite ng DBM ang kanilang proposed budget ilang araw pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa ikatlong Lunes ng Hulyo kaya…
Read MorePLUNDER NAKAAMBA SA TEXTBOOK SCAM
(NI BERNARD TAGUINOD) DAPAT ihanda na ng mga opisyales ng Department of Education (DepED) ang kanilang sarili dahil maaaring kasuhan ang mga ito ng plunder kaugnay ng daan-daang milyong halaga ng text book na punong-puno umano ng mali. “This is plunder,” ani Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr, sa press conference ng Minority bloc sa Kamara nitong Miyerkoles kaugnay ng P254 milyong halaga ng textbooks na binayaran ng DepEd kahit maraming mali. Bukod ito sa may P113.7 million libro na hindi ipinamahagi ng DepEd na pinanggigilan ng mga kongresista dahil habang…
Read MorePAGTAAS NG ATM FEES SA 58-M CARDHOLDERS KOKONTRAHIN KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAABATAN ng isang mambabatas ang nakatakdang pagtataas umano ng Automated Teller Machine (ATM) fees dahil kung hindi ay susuka ng doble ang may 58 million cardholders sa bansa. Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., kailangang makialam na ang Kongreso bago pa man ipatupad ng mga bangko ang ATM fees hikes matapos tanggalin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang freeze order sa pagtataas ng singil sa paggamit ng ATM. “We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consumers – the nation’s more…
Read MoreKAMARA SERYOSO SA ROTC REVIVAL
(NI BERNARD TAGUINOD) SERYOSO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maibalik sa mga eskuwelahan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) kaya muling ihinain ang nasabing panukala. Sa House Bill (HB) 2613 na inakda ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles, umaasa ito na sa pagkakataong ito ay maibalik na ng tuluyan ang ROTC kung saan ipapatupad ito sa Grade 11 at 12. Noong Mayo 2019, pinagtibay ng Kamara sa botong 167 pabor, 4 kontra at 0 abstention, ang nasabing panukala subalit hindi naging batas dahil hindi ipinasa ng Senado ang kanilang hiwalay na…
Read More