(NI AMIHAN SABILLO) PATUNG-PATONG na kaso ang kakaharapin ng mga alkalde sakaling patuloy na magbigay ng mayor’s permit, business permit at dapat kaselahin ang anumang permit na ipinagkaloob sa KAPA. Ito ang babala ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapag hindi susunod ang mga alkalde sa memorandum na inilabas ni Interior Secretary Eduardo Año. Ayon kay DILG spokesperson Usec Jonathan Malaya, mga kasong kriminal at administratibo ang isasampa sa mga alkalde kapag hindi nag-comply sa kautusan ng DILG. Sinabi ni Malaya na naibaba na sa lahat ng mga…
Read MoreTag: kapa
EBIDENSIYA VS KAPA PINAG-AARALAN NA NG DOJ
(NI BETH JULIAN) PINAG-AARALAN na ng DoJ ang lahat ng ebidensya sa muling panloloko ng pamunuan ng Kapa Community Ministry International Incorporated. Gayunman, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, pagpapaliwanagin nila ang mga opisyal ng Kapa para sa patas na imbestigasyon. Kung makikitaan ito ng probable cause ay kakasuhan na ang mga kinatawan ng Kapa. Iginiit pa ni Nograles na lumalabas na negosyo ang pagbibigay ng donasyon sa Kapa dahil ayon sa mga kasapi nito ay malaking pera ang bumabalik sa kanila matapos na mag-donate. Kung hindi umano legal…
Read MoreKASO LABAN SA KAPA ISASAMPA NA NG NBI
(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsasampa na ng kasong kriminal , anumang araw sa susunod na linggo laban sa Kapa Community Ministry International dahil sa pagkakasangkot sa investment scam. Kasunod umano ito ng isinagawang serye ng pagsalakay sa mga tanggapan ng Kapa sa iba’t ibang panig ng bansa base sa search warrant. Sinabi ni NBI National Capital Region (NBI-NCR) Regional Director Cesar Bacani na ihahain na nila sa susunod na linggo ang mga kasong kriminal base sa isinilbi nilang search warrants. Kasama umano sa…
Read MorePOSISYON NI DUTERTE VS KAPA ‘DI MATITINAG
(NI BETH JULIAN) NANINDIGAN ang Malacanang sa tuluyang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kapa Ministry International na sinasabing isang investment scam. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, malabong baguhin ng Pangulo ang kanyang direktibang pagpapasara sa Kapa kahit sa kabila ng panawagan at pakiusap ng ilang miyembro nito na huwag ipasara dahil nakatutulong ang mga ito sa kanila. Giit ni Panelo, hindi mababago ang desisyon ng Pangulo dahil nanindigan ito na isang syndicated estafa ang aktibidad ng Kapa at malinaw na panloloko sa mga nabibiktima nila. Isa pa, ayon…
Read More14 NBI TEAMS TUTUTOK SA KAPA
(NI JULIE DUIGAN) NAGPAHAYAG ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa usapin ng KAPA –community Ministry International , kaugnay sa umano’y investment scam — na maglalaan ng 14 na team sa tututok sa kaso. Ito ang napag-alaman kay NBI spokesperson Nick Suarez, kasabay ng pahayag na may tatlong taon na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na ito ng grupo. Ayon kay Suarez napaaga lamang ang aksiyon ng NBI matapos na iutos ang pagpapasara ni Pangulong Duterte sa mga tanggapan ng Kapa. Kasabay nito, hinikayat ni Suarez ang mga nabiktima ng Kapa na magreklamo na sa NBI. Pinayuhan din ni…
Read More‘INVESTORS’ PINALULUTANG; KAPA KASUHAN – PALASYO
(NI BETH JULIAN) HINIKAYAT ng Malacanang ang mga namuhunan sa Kapa Ministry International Incorporated na lumantad at magsampa ng kaso laban sa naturang organisasyon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ang natatanging paraan para mabawi ng mga biktima ang kanilang investment. Kasabay nito, naninidigan ang Malacanang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Kapa at lahat ng investment company na labag sa batas. Ang ginawang panghihikayat ng Kapa para mamuhunan sa kanila ang publiko kapalit ng malaking porsyento ng tubo sa loob ng maikling panahon ay babagsak…
Read More14 TEAM NG NBI TUTUTOK SA KAPA
(NI JULIE DUIGAN) NAGPAHAYAG ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa usapin ng KAPA –community Ministry International , kaugnay sa umano’y investment scam — na maglalaan ng 14 na team sa tututok sa kaso. Ito ang napag-alaman kay NBI spokesperson Nick Suarez, kasabay ng pahayag na may tatlong taon na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na ito ng grupo. Ayon kay Suarez napaaga lamang ang aksiyon ng NBI matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng mga tanggapan. Kasabay nito, hinikayat ni Suarez ang mga nabiktima ng…
Read MoreKAPA INVESTMENT SCAM IPINASASARA NI DU30
(NI BONG PAULO) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa patuloy na pagkalat ng mga investment scheme sa Southern Mindanao na nagbibigay ng malaking porsiyentong tubo sa ilalagak na halaga ng pera. Ayon sa Pangulo kanyang inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) at maging ang PNP-CIDG na ipasara na ang nasabing operasyon. Kabilang sa mga ipasasarang operasyon ay ang KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon (Mahirap ay Pagyamanin) ni Pastor Joel Apolinario na nagbibigay ng 30% na tubo sa ilalagak na pera. Sa panayam ni Pastor…
Read More