PINANINIWALAANG nawala sa katinuan ng pag-iisip kung kaya’t inakyat ng isang lalaki ang poste ng kuryente at tumawid pa sa kable nito sa lungsod ng Quezon noong Linggo ng gabi. Nabatid sa report ng Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), sa kanto ng Scout Castor at Tomas Morato Avenue nangyari ang pag-akyat ng hindi na pinangalanang lalaki na sinasabing may problema sa pag iisip. Una umanong nasaksihan ng guwardya na si Pepito Abejero ang biglaang pag-akyat ng lalaki sa poste ng kuryente at walang takot umanong tumawid…
Read MoreTag: KURYENTE
DOE AT DOF SINISI SA MAHAL NA KURYENTE
NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na kasalanan ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kung bakit hanggang ngayong Enero ay mataas ang babayarang kuryente ng bawat pamilyang Filipino. Tinumbok ni Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Energy, ang “Murang Kuryente Act” ay dapat nagsimula ang epekto simula Disyembre sa nakalipas na taon “if only an IRR had been issued [by] the Department of Energy (DOE) and the Department of Finance (DOF) [on] November 27 last year or 90 days after the effectivity of the law.” Ang IRR…
Read MorePOWER RATE HIKE, NAKAAMBA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang dalawang magkasunod na yellow power alert sa Luzon Grid ay masusundan ng power rate increase. Ito ang dahilan kaya nanawagan si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin ang lahat ng power supply agreement (PSA) sa mga generation companies. “Sa nangyayari kasi ngayon ay laging dehado ang mga consumers lalo pa at ilang araw nang naka-yellow alert at pagtaas na naman ng singil sa kuryente ang ibig sabihin nito tulad noong isang buwan,” ani…
Read MoreILANG LUGAR SA METRO MAWAWALAN NG KURYENTE
(NI KEVIN COLLANTES) MAKARARANAS ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan, bunsod ng isasagawang maintenance works o pagkukumpuni sa mga pasilidad ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon sa Meralco, magsisimula ang power interruption ngayong Lunes, Nobyembre 4 at magtatagal hanggang sa Linggo, Nobyembre 10. Kabilang umano sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente ay ang Caloocan City dahil sa pag-upgrade at reconstruction ng mga pasilidad sa Gen. Rosendo Simon at Calle Uno Streets; Las Piñas City dahil sa…
Read MoreWALANG KURYENTE
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa maintenance works. Batay sa inisyung paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works ngayong Linggo, Set. 15 at magtatagal hanggang sa Set. 21, Sabado. Sinabi ng electric company na kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 7) dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. Sinilyasi St.; Makati…
Read MoreSINGIL SA KURYENTE BABABA NGAYONG SEPT
(NI MAC CABREROS) SA ikalimang sunod na buwan, muling tinapyasan ng Manila Electric Company (Meralco) ang singil nila sa kuryente. Inianunsyo ngayon ng Meralco na nabawasan ng P0.5260 kada kilowatthour ang singil nila ngayong Septiyembre upang mailista sa P9.0414 kada kWh mula sa P9.5674 kada kWh nitong Agosto. Abot na ngayon sa P1.52 kada kWh ang nabawas sa monthly bill simula Abril, ayon sa Meralco. Inihayag pa ng Meralco na nagdulot sa bawas singil ang mababang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM saan nabawasan ng P3.6503 gayundin ang pagbaba sa generation charge kung saan…
Read MorePANAHON NA PARA MAGTIPID NG KURYENTE AT TUBIG
IDINEKLARA ng PAGASA ang opisyal na pagdating ng panahon ng tag-init noong ika-22 ng Marso. Ayon dito, mas maaga ang naging pagdating ng pa¬nahon ng tag-init kumpara noong nakaraang taon. Ang opisyal na pagpapalit ng klima noong nakaraang taon ay inanunsyo noong ika-10 ng Abril. Ito raw ay bunsod ng El Niño na ina¬asahang lalala pa sa mga susunod na buwan. Patuloy ang PAGASA sa paghimok at pagpapaalala sa mga tao ukol sa pagda¬ting at paglala ng El Niño. Sa kasalukuyan, nanatili ang PAGASA sa El Niño Advisory Stage. Ito…
Read More