PAPER TRAIL SA PHILHEALTH MALAKING TULONG SA ANOMALYA

(NI NOEL ABUEL) MALAKI ang maitutulong ng paper trail para madetermina kung sinu-sinong opisyales ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang sangkot sa anomalya sa nasabing ahensya. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan malaking bagay aniya kung aalamin ang mga transaksyon sa Philhealth sa pamamagitan ng paper trail. “‘Yun na nga. Paper trail ang isang pwedeng sumagot diyan para makita natin kung may pattern ng anomaly, sino gumagawa ng anomaly. Doon ba sa level ng regional VP sa mga regions, or sa level ng central office? Kasi…

Read More

P4.1-T NAT’L BUDGET ‘DI IDIDISKARIL SA SENADO

senate22

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng mga senador na hindi ididiskaril o ibibimbin ang pag-apruba sa P4.1 trilyon na 2020 national budget at hindi matulad sa nangyari noong nakaraang taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, kung saan target nitong maaprubahan bago ang October 5, 2019 at malagdaan ito bago o sa Disyembre 15. “We will be observing the practice of holding parallel hearings so that when the House-approved general appropriations bill (GAB) will arrive here in October or first week of November we…

Read More

LACSON SUPORTADO NG PNP SA POSISYON SA DEATH PENALTY BILL

ping lacson 12

(NI AMIHAN SABILLO) APRUB sa  Philippine National Police (PNP) na dapat lamang maharap sa napakabigat na parusa ang mga pulis na mapatutunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya gaya na lamang ng death penalty. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, na umano ay pabor ang PNP sa mungkahi ni Senator Panfilo Lacson na muling ipatupad ang death penalty para sa mga police officers na mapatutunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya. “The reimposition of death penalty will maximize the effectiveness of the law that penalizes planting of drug evidence.…

Read More

WIRETAPPING VS KALABAN NG GOBYERNO ISUSULONG

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng mga sangkot sa krimen tulad ng droga at money laundering, at sa mga nagnanais patalsikin ang pamahalaan. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan maaari na umanong i-wiretap ang komunikasyon ng mga sangkot sa krimen. Aniya, muling isinampa nito ang panukalang Anti-Wiretapping Law na nakapaloob sa Senate Bill 22 na naglalayong amyendahan ang 54-taon nang Republic Act 4200. Ipinunto ni Lacson na kailangan nang mas palawakin ang kapangyarihan ng mga alagad ng batas sa pagmanman laban sa mga kriminal. “With the following…

Read More

LACSON-DUQUE SHOWDOWN INAABANGAN

pingduque12

(NI NOEL ABUEL) MAY  pasasabugin si Senador Panfilo Lacson laban kay Health Sec. Francisco Duque na may kinalaman tungkol sa PhilHealth para makasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman. Ayon sa senador, mas malaki at higit na mas matindi umano ang ibubulgar nito sa mga darating na araw para patunayang umabuso sa tungkulin si Duque. “Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko,” sabi nito. “Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa hindi lang ito lease ng building niya kundi may family corporation involved na meron na…

Read More

BUENA-MANO SA 18TH CONGRESS; LACSON VS DUQUE

ping duque12

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na sa pagbubukas ng 18th Congress ay pangungunahan nito ang pag-ungkat sa anomalya sa Philhealth. Ayon kay Lacson, sisimulan nito ang pag-ungkat sa naturang ahensya sa pamamagitan ng privilege speech sa plenaryo. “When the 18th Congress opens most likely I will. Actually I was planning to deliver a privilege speech rito but information keeps coming in and I was just challenged by the statement of Sec. Duque na bakit ko pa inungkat ang 2004 at unblemished ang record niya as a public…

Read More

UMENTO SA PENSIYON NG RETIRADONG MUP, TULOY NA

ping lacson 12

(NI NOEL ABUEL) NAGPASALAMAT si Senador Panfilo Lacson at sa wakas ay tuloy na tuloy na ang umento sa pensiyon ng mga retiradong Military and Uniformed Personnel (MUP) makaraang bigyan ito ng sapat na pondo ng Department of Budget and Management (DBM). Sinabi ni Lacson, na dating naging miyembro ng Philippine Military Academy Class 1971, nagpasalamat ito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dagdag na benepisyo sa ilalim ng Joint Resolution No. 1. “On behalf of the 220,000 MUP retirees, let me say a lifetime ‘Thank you to PRRD for…

Read More

INCUMBENT, NEOPHYTE SENATORS MAY CAUCUS  SA BAHAY NI PACQUIAO

senate22

(NI NOEL ABUEL) NAKATAKDANG magsagawa ng caucus ang mga kasalukuyan at neophyte senators sa tahanan ni Senador Manny Pacquiao. Ito ang kinumpirma nina Senador Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian kung saan ang nasabing pagpupulong ay naglalayong kilalanin nang husto ang mga bagong miyembro ng Senado at talakayin ang mga komiteng nais na pamunuan ng mga ito sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III. “To expand information kasama ang incoming senators. Medyo ma-enhance ang projection kung Senate President Sotto will remain or continue as Senate president. By tomorrow…

Read More

PASABOG NI ‘BIKOY’ ‘DI BIBILHIN NI LACSON

SINABI ni Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes na hindi niya paniniwalaan ang ibinunyag ni Peter Joemel Advincula  kung saan inaakusahan niya ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes na nasa likod ng “Totoong Narco-list” videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating hepe ng Philippine National Police na kailangang magpakita pa ng mas matitinding ebidensiya si Advincula at hindi basta kwento lang. “He suffers from a serious credibility problem that he must overcome if he wants to be believed this time. He can only do…

Read More