LEBRON BABALIK SA NO. 6

james12

(NI JOSEPH BONIFACIO) PAREHONG jersey no. 23 ang isinusuot ni LeBron James at ang posibleng maging teammate na si Anthony Davis. Kaya isa sa kanila ang magpaparaya. Iyon ay walang iba kundi si James. Ayon sa ulat ng ESPN, ipauubaya ni James ang no. 23 kay Davis, habang siya ay babalik sa dating numero 6. Ang jersey no. 23 ay ginamit ni James habang naglalaro sa Cleveland Cavaliers at sa Lakers nitong nakaraang season. Habang si Davis ay no. 23 ang jersey sa kanyang pitong season sa New Orleans Pelicans.…

Read More

DAVIS KAMPI NA NI LEBRON

davis12

SA hinaba-haba ng prusisyon sa Los Angeles din ang tuloy. Bagamat wala pang pormal na pahayag, magkakasama na sa Lakers sina Anthony Davis at LeBron James. Ito’y matapos na ang New Orleans Pelicans ay pumayag na ipamigay si Davis sa Lakers kalapit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at tatlo pang first-round draft choices. Hindi pa maaaring maging opisyal hangga’t hindi pa nagsisimula ang panibagong taon ng liga sa Hulyo 6, ayon sa ESPN. Pero, hindi rito nagtatapos ang ‘shopping spree’ ng Lakers para…

Read More

LEBRON, PINALAMIG ANG HEAT

MIAMI – Nagpasabog si LeBron James ng 51 points laban sa dating koponan nang talunin ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat, 113-97, Lunes (Manila time). Sa first quarter pa lang ay umiskor na si James ng 19, kung saan umabante ang Lakers ng hanggang 21 puntos. Ang 51 points ay season high ni James, at pinakamataas na naiskor laban sa Miami. Dalawang beses na siyang umiskor ng 47 points laban sa Heat. Ang huli niyang basket ay mula sa 32-footer, 16 segundo na lang para sa kanyang 13th 50-point…

Read More