(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na gawing libre ang kolehiyo sa lahat ng 118 local universities and colleges o LUCs sa bansa. Ayon sa senador, mahalaga ang hakbang na ito upang makinabang ang mas maraming mag-aaral sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 o Republic Act 10931 na naglalayong magbigay ng libreng dekalidad na edukasyon sa kolehiyo. Magugunitang kamakailan lamang ay nilagdaan ng CHED ang isang kasunduan kasama ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o…
Read MoreTag: LGUs
LGUs KINALAMPAG VS BUSINESS PERMIT NG POGO
(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Joel Villanueva na tutularan ng iba pang local government units (LGUs) ang desisyon ng lungsod ng Makati na itigil ang pagbibigay ng business permit sa mga Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) service provider. “We hope that other POGO hotspots in Metro Manila and other areas take heed of this significant step of Makati City and implement a similar ban until we clearly see the benefits of this growing sector,” panawagan pa ng senador sa mga alkalde ng Metro Manila at sa iba pang LGUs sa buong…
Read MoreLGUs PINAREREKTA SA MAGSASAKA SA PAGBILI NG BIGAS
(NI NOEL ABUEL) MULING umapela sa pamahalaan at sa mga ahensya ng pamahalaan na magsilbing equalizer sa malaking suliranin ng mga magsasaka kaugnay ng patuloy na pagbaba ng presyo ng palay bunsod ng pagpasok ng mga murang bigas mula sa ibang bansa. Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, kailangan nang kumilos ang gobyerno bago pa mahuli ang lahat at tuluyang iwan ng mga magsasaka ang kanilang hanapbuhay. Hiling nito na panahon nang iimplementa ang Sagip Saka Law para makatulong sa mga magsasaka na makatugon sa pagbagsak ng presyo ng palay…
Read MoreKOLEKSYON NG BUSINESS TAX SA LGUs, PATATAASIN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukala na naglalayong palakasin ang koleksyon ng buwis mula sa mga negosyo. Sa kanyang Senate Bill 494, nais ni Sotto na amyendahan ang Situs of the Tax na nakapaloob sa RA 7160 o Local Government Code of 1991. Ang situs ay tumutukoy sa lugar ng pagbabayaran ng buwis. Alinsunod sa nakagawian, ang mga negosyanteng mayroong principal offices sa Metro Manila ay pinapayagang magbayad ng buwis sa Kalakhang Maynila kahit ang kanilang operasyon ay sa mga lalawigan. “The Local…
Read MorePROTEKSIYON SA MGA TURISTA OK SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na bubuo ng intergovernmental task force para sa proteksyon at assistance sa mga turista sa bansa. Batay sa House Bill 8961 na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kinikilala ang sektor ng turismo bilang major contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Tourist Protection and Assistance Task Force na mangangasiwa sa pagkakaroon ng directional signages sa tourist facilities, pagpapakalat ng multilingual travel and tourism information at promotional materials. Magkakaroon rin ng…
Read More1ST TIMER SA TRABAHO LIBRE SA REQUIREMENTS
(NI ABBY MENDOZA) PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte at magiging ganap na batas na ang First-Time Job Seekers Assistance Act o batas na magtatakda na waive o wala nang babayaran ang mga bagong graduates sa mga dokumentong kukunin nito sa gobyerno bilang requirement sa aplikasyon sa trabaho. In-adopt at walang naging pagtutol ang House of Representatives sa adoption ng pinagsamang bersyon ng Senate Bill 1629 at House Bill 172. Sa ilalim ng panukala inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at local government…
Read MoreLGUs SA BUONG BANSA OOBLIGAHIN SA CCTV
(NI LILIBETH JULIAN) OOBLIGAHIN ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan na maglagay ng mga CCTV camera partikular sa matataong lugar. Ang mungkahi ng DILG ay kasunod ng naganap na malagim na twin bombing sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong Enero 27 na nagresulta sa pagkasawi ng 22 katao at pagkasugat ng higit 100 pa. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, dapat ituring na basic value ng LGUs ang paglalagay ng mga CCTV camera gayundin…
Read MoreLGUs NA ‘DI MAKIKIISA SA MANILA BAY REHAB KAKASUHAN
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY KIER CRUZ) INATASAN ng Department of Interior and Local Government(DILG) ang mga Local Government Units(LGUs) na lingguhan nang maglinis sa kani-kanilang lugar na sakop ng Manila Bay bilang tulong sa ginagawang rehabilitasyon. Ayon kay Interior Undersecretary Epimaci Densing, nag-isyu na sila ng memorandum sa mga LGUs kasama ang mga barangay para sa lingguhang paglilinis sa Manila Bay at mayroon umanong monitoring system ang DILG upang masiguro na nasusunud ang direktiba. Banta ni Densing, ang hindi tatalima ay maaaring kasuhan ng administratibo. Sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy…
Read MoreBAHAY PAG-ASA SA BATANG SENTENSIYADO WALANG PONDO
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG inilaang pondo sa ilalim ng 2019 national budget para sa pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa sa bawat probinsya na paglalagakan ng mga batang nagkakasala sa batas. Ito ang nabatid kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa gitna ng pagpapatibay sa House Bill 8858 na nagbaba sa minimum age of criminal responsibility (MACR) sa 12-nyos mula sa kasalukuyang 15 anyos. “Saan kukunin ang pondo na pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa eh walang pondo na nakalagay sa 2019 national budget para dyan,” ani Casilao. Sakaling maging batas, ay…
Read More