(NI DAHLIA S. ANIN) TUMAMA ang 4.6 magnitude na lindol bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro. Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato. Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa…
Read MoreTag: LINDOL
DAVAO OCC NILINDOL
(NI DAHLIA S. ANIN) NIYANIG ng isang 6.1 magnitude na lindol ang Davao Occidental, bandang alas 10 ng Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVoLcS). Ang sentro ng lindol ay naitala sa 05.62°N, 126.73°E-126 km S, 77° E ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Ang tectonic earthquake na ito ay may lalim na 14 kilometro. Naramdaman din ang Intensity III sa Kidapawan at Davao City. Wala naman naitalang nasaktan sa nasabing lindol. 406
Read MoreQUEZON NIYANIG NG 5.5 LINDOL
(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon. Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente. Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers. Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City. Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon. Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City. Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC. 242
Read MoreCALATAGAN, BATANGAS NILINDOL
(NI JEDI PIA REYES) NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Calatagan, Batangas, Biyernes ng gabi. Ayon sa Philippine Instititute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong alas-6:32 ng gabi sa layong 18 kilometro ng Calatagan. May lalim na 87 kilometro ang lindol na tectonic ang origin o pinagmulan. Naramdaman ang Intensity III sa Tagaytay City, Intensity II sa Mandaluyong City at Muntinlupa City; at Intensity I- Talisay, Batangas; at Quezon City. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro;…
Read More18 CLASSROOM ‘DI MAGAGAMIT MATAPOS ANG LINDOL
(NI DONDON DINOY) MAGSAYSAY, Davao del Sur-Ipinag-utos na ng alkalde sa naturang bayan sa lahat ng opisyal ng mga paaralan na napinsala ng malakas na lindol na hindi muna gamitin ang mga silid aralan na nagkaroon ng bitak dahil sa magnitude 5.6 na lindol, Martes ng gabi. Ayon kay Mayor Arthur Davin, kailangang masiguro na ligtas ang mga guro at mag-aaral kung kaya’t kinakailangang maghanap sila ng “Temporary Learning Space” (TLS). Tatlong paaralan ang lubhang naapektuhan ng pinsala at ito ay ang Bala National High School, Tacul Agricultural High School…
Read MoreSURIGAO DEL NORTE NILINDOL
(NI JEDI PIA REYES) NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang Surigao Del Norte, Linggo ng umaga. Dakong alas-8:16 ng umaga nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig sa layong 29-kilometro Hilagang-Kanlurang ng munisipalidad ng Burgos. May lalim na 25-kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang Intensity II sa Borongan City sa Eastern Samar. Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsala dahil sa lindol. Nabatid din mula kay Sancina Sulapas, ng Burgos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na wala…
Read MoreSOUTHERN LEYTE NILINDOL
(NI DAHLIA S. ANIN) NIYANIG ng magnitude 5 ang karagatan ng Bohol at Leyte, Linggo ng umaga, ayon sa Phivolcs. Ang sentro ng lindol ay naitala sa Bohol Sea 36 na kilometro sa Kanlurang bahagi ng Limasawa, Southern Leyte. Naramdaman naman ang intensity 3 sa Cebu City, Mambajao at Camiguin, habang intensity 2 sa Palo, Leyte, ayon sa tala ng Phivolcs. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 30 kilometro. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit pinag-iingat ang mga residente dahil sa mga aftershock. 399
Read MorePCSO NAGBIGAY NG P6.5-M AYUDA SA PAMPANGA, ZAMBALES
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kabuuang P6.5 milyon ang halaga ng calamity fund na ipinagkaloob sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales, na pinaka-naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Abril 22. Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, P5 milyon sa naturang kabuuang halaga ang inilaan nila para sa Pampanga, habang P1.5 milyon naman para sa Zambales, upang ipantulong sa mga biktima ng lindol. Sinabi ni Cam na ang naturang calamity fund ay itinakda ng PCSO Board of…
Read MoreMAGNITUDE 8 NA LINDOL SA SURIGAO DEL NORTE, POSIBLE — PHIVOLCS
(NI ABBY MENDOZA) NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology(Phivolcs) sa posibilidad ng pagkakaroon ng 8.0 magnitude quake sa Surigao del Norte matapos umabot na sa 673 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang 5.5 magnitude quake noong Abril 26. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang kumpol-kumpol na lindol ay tinatawag na earthquake swarm, aniya, dalawang scenario ang maaaring mangyari kapag may earthquake swarm, una ay manatili ang pagkakaroon ng maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay maaring magdulot ng malakas na lindol, sa kaso umano sa Surigao ay binabantayan nila…
Read More