MAGNITUDE 5.5 YUMANIG SA QUEZON

ISANG magnitude 5.5 na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Quezon alas-4:52 Huwebes ng madaling-araw. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Jomalig. May lalim ang pagyanig na 7 kilometro at tectonic ang origin. Naitala ang sumusunod na intensities: Intensity IV – Guinayangan, Quezon Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City Intensity I- Muntinlupa City Instrumental Intensities: Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez and Mulanay, Quezon Intensity II…

Read More

QUEZON NIYANIG NG 5.5 LINDOL

(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon. Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente. Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers. Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City. Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon. Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City. Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC.   15

Read More

PINAS BUKAS SA ALOK NG JAPAN SA KALIWA DAM

kaliwa dam12

(NI BETH JULIAN) HINDI isinasara ng gobyerno ang pintuan sa alok ng Japan na pondohan ang pagpapatayo ng Kaliwa dam sa lalawigan ng Quezon. Sa kabila ito ng nauna nang mga impormasyon na manggagaling na sa China ang pondong gagamitin dito. Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na pinag-aaralan na ngayon ng gobyerno ang alok ng isang Japanese company para sa proyekto. Sinasabing lumalabas na mas mura at mas ligtas umano ang alok ng Japan para sa dam project. Ayon kay Panelo, kailangan at marapat lamang na ikonsidera ang…

Read More

KALIWA DAM ‘DI MAGAGAMIT KAHIT MAY KRISIS

kaliwa dam12

(NI BETH JULIAN) INIHAYAG ng Malacanang na malabong matuloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon province kahit na nakararanas ng matinding kakapusan sa tubig sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, marami ang tumututol na maisakatuparan ang plano sa Kaliwa Dam na popondohan sana ng China. Una nang iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kailangan nang matuloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam dahil ito ang nakikitang  solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa. Nagkakahalaga ng P12.2 bilyon ang pagtatayo ng Kaliwa Dam kung…

Read More

47 BOMBA NOONG WW II NAHUKAY

bomba

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCBAN, Quezon – Apatnapu’t-pitong mga hindi pa pumuputok na bomba ang aksidenteng nahukay sa tabi ng ilog sa bayang ito araw ng Lunes. Sa report ni Chief Insp. Bonna Obmerga, Lucban police chief, natuklasan ang mga bomba ng mga trabahador ng Department of Public Works and Highways habang naghuhukay sa pagtatayuan ng “gravity wall” sa gilid ng Camatian River sa Barangay Tinamnan bandang alas:-10:00 ng umaga Ang pagkakadiskubre sa mga bomba ay agad na inireport ni Roger de Rosa, DPWH foreman, sa Lucban police station. Mabilis…

Read More

P2-K PABUYA SA P5-M ‘FLOATING COCAINE’ MALIIT

cocaine22

(NI JUN V. TRINIDAD) NAGBABALA ang kapulisan na huwag matukso ang mga makapupulot ng floating cocaine na ibenta ito sa mga drug supplier kung ayaw nilang masira ang kanilang buhay. Ito ay matapos makarating sa mga opisyal na nagrereklamo ang mga residente, partikular ang mga  mangingisda sa liit ng pabuya na natatanggap kapalit ng napupulot na cocaine sa karagatan o baybaying dagat. Nabatid na sa bawat isusurendet na pakete ng cocaine na nagkakahala ng hindi bababa sa P5 milyon ay isang sakong bigas o may halagang P2,000 lamang ang ibinibigay…

Read More