PINSALA NG LINDOL UMABOT NA SA HIGIT P500-M

lindol12

UMAABOT na sa halos P500 milyon ang pinsalang naidulot ng lindol na tumama sa Luzon, ayon sa disaster agency nitong Linggo. Lumikha ng panic ang 6.5 magnitude na lindol kung saan nagtakbuhang palabas ang mga empleyado bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes. Nawasak din ng lindol ang Clark International Airport at hindi nakapag-operate sa loob ng 48-oras, gayundin ang paggiba sa apat na palapag na gusali ng Chuzon supermarket, isa sa pinakamatinding napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga. Tinataya sa P505.9 milyong halaga ng 334 imprastraktura ang naapektuhan sa Metro…

Read More

CHUZON SUPERMARKET: WALA NANG SENYALES NG BUHAY 

porac123

(NI JESSE KABEL) IDINEKLARA nitong Sabado ng Office of Civil Defense (OCD) na clear na ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos na wala na talagang palatandaan na may na-trap pa sa ilalim ng mga guho ng nasabing pamilihan. Ayon sa Pampanga PNP,  ginawa ng Office of Civil Defense ang deklarasyon sa gitna ng mga ulat na may lima katao pa ang nawawala. Ayon sa kapulisan sa nasabing lalawigan, sa ibang lugar na lamang nila hahanapin ang mga iniulat na missing. “Na-declare na po ng mga OCD na cleared…

Read More

INSPEKSIYON SA MGA KOMPANYA IKINASA NG DOLE

DOLE12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa naganap na magnitude 6.1 na lindol ay magsasagawa na ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa dalawang kompanya na inireklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols. Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez,  may mga inspectors na sila na ipakakalat para sa iberepika ang mga ulat na natatangap ng ahensiya. Ito’y matapos ang sunud-sunod na reklamo ng ilang grupong manggagawa ng ilang mga kompanyang ayaw munang banggitin na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol. Dagdag pa ng ahensiya, dapat…

Read More

ROTC CADETS SASANAYIN SA DISASTER MANAGEMENT

rotc

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang minority congressman na sanayin din ang mga  Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Cadets sa disaster management upang makatulong ang mga ito sa panahon ng kalamidad. Ginawa ni House assistant minority leader Salvador Belaro Jr., ang mungkahi sa gitna ng sunud-sunod na lindol na naranasan sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga nakaarang mga araw. “Kasama rin dapat ang disaster management sa mga itinuturo sa ROTC. Iyang ROTC, hindi iyan dapat puro martsa at pagbibilad sa araw. Civic duty and responsibility dapat ang focus niyan,” ani…

Read More

20 LINDOL BAWAT ARAW NORMAL LANG — PHIVOLCS

phivolcs

(NI ABBY MENDOZA) ARAW-ARAW  ay may naitatalang lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, may ilan na malakas ngunit karamihan ay hindi nararamdaman dahil sa sobrang lalim ng pinagmulan. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ang 20 pagyanig sa araw-araw ay maituturing na normal lamang. Ang pahayag ay ginawa ng Phivolcs sa harap na rin ng pangamba ng ilan na araw-araw ay may naitatalang lindol matapos ang 6.1 at 6.5 magnitude quake na tumama sa Luzon at Visayas. Giit ni Phivolcs Director Renato Solidum, hindi magkakaugnay ang nararansang…

Read More

LEYTE NILINDOL

leyte100

NAKARANAS ng magnitude 4.0 ang probinsya ng Leyte kaninang alas 10:44 ng umaga. Ayon sa Phivolcs ang sentro ng lindol ay naitala sa pitong kilometro ng Hilagang-Silangan ng Albuera,Leyte. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 2 kilometro. Ang Intensity 3, ayon sa Phivolcs, ay mahina at mas nararamdaman lamang ng mga tao na nasa loob ng mataas na building. Ito ang pinakabagong pagyanig ngayong linggo na sinimulan ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Castillejos, Zambales noong Lunes. Ang Pilipinas ay nasa loob ng tinatawag na…

Read More

NDRRMC ITINANGGING ‘SOURCE’ NG 8.1 LINDOL ADVISORY 

ndrmmc12

(NI NICK ECHEVARRIA) HINDI dapat paniwalaan ang mga kumakalat na mga text messages at sa social media ‘news’ kaugnay sa parating na magnitude 8.1 na lindol sa bansa. Ito ang binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ang paliwanag na hindi sa kanila nanggaling ang ipinadadalang mga advisory. Ayon sa ahensya tanging ang “NDRRMC” account lamang ang kanilang ginagamit at hindi ang alin mang mobile numbers. Hinihikayat din ng NDRRMC ang publiko na huwag maniwala sa mga kahinahinalang text messages at iwasang mag-like, mag-share o mag-forward…

Read More

DISASTER DEPARTMENT HILING ITATAG SA GITNA NG KALAMIDAD

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang sunud-sunod na paglindol sa Luzon at Visayas region, lalong kailangan na magkaroon na ng isang departamento na tututok sa paghahanda at pagtugon sa  lahat ng mangyayaring sakuna o kalamidad sa bansa. Ito ang panawagan ni House committee on disaster management chairperson Geraldine Roman, matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon noong Lunes at magnitude 6.5 sa Visayas noong Martes. Ayon kay Roman, naipasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbassa noong nakaraang taon pa ang House Bill (HB) 8165…

Read More

LINDOL SA LUZON, VISAYAS ‘DI MAGKA-UGNAY

phivolcs

(NI DAHLIA ANIN) KAHIT halos magkasunod ang lindol na nangyari noong Lunes sa Luzon at Martes sa Visyas ay wala itong kaugnayan, ayon sa Philippine Volcanology and Seidmology (Phivolcs) kasabay ng pagpapaalala ng kahandaan ng publiko dahil sa mga naitalagang aftershocks. Ayon sa Phivolcs, local fault ang gumalaw kaya’t nagkaroon ng lindol sa Zambales. Malaki ang naging pinsala nito sa ibabaw ng lupa dahil mababaw lamang ang gumalaw na fault. Marahil ay nakaapekto umano ang mabuhanging lupa sa Porac, Guagua at Lubao, Pampanga kaya mabilis itong bumigay at gumalaw. Idinagdag…

Read More