Ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos pumutok ang issue ng korapsyon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang opisinang ito ang isa sa takbuhan ng mga Filipino kung kakailanganin ang tulong na medikal. Hindi naman na siguro bagong problema rito sa bansa na para tayong ginigisa sa sarili nating mga mantika? Ang perang sana ay magsasagip ng mga buhay, ginawang ilegal na hanapbuhay. Nakalulungkot na ang opisinang kilala sa salitang “charity” ay naging matunog kamakailan sa isyu ng korapsyon. Mahirap man sikmurain,…
Read MoreTag: Maging waIs Ka
SAGIP KANLUNGAN
Nakatatakot isipin na ang Pilipinas ay pangatlo sa talaan sa buong mundo na nahaharap sa sakuna o panganib. Ito ay dulot ng iba’t ibang natural na kalamidad tulad ng bagyo, ba-ha, lindol, landslides, at pagputok ng mga bulkan. Sa mga ganitong sitwasyon, mas nakatatakot na marami sa atin ang maaaring mamatay, da-hil sa kakulangan ng kaalaman, kawalan ng paghahanda, at pondo, at mga emergency healthcare facilities. Kayang lumpuhin ng kalamidad at sakuna ang ating mga kabuhayan, ekonomiya, at imprastraktura sa isang iglap. Nakatawag pansin sa akin ang isang grupo ng…
Read MoreSO ano Na?
Ang State of the Nation Address o SONA ay pag-uulat tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa nagdaang taon. Ayon sa Malacañang, ibibida ng pangulo ang mga programa laban sa kahirapan, Build Build Build Program, at pagsugpo sa armed conflicts. Pag-uusapan din dito ang legislative agenda ng pangulo sa susunod na taon. Kung kaya’t malalaman din natin kung sino ang susunod na House speaker na magsusulong nito. Ngunit, kung mayroong BIDA, mayroon ding mga kontrabida. Nakaabang ang kanyang mga kritiko na babatikos sa kanyang mga polisiya at programa. Gaya na…
Read MoreMATTEO AT ROBIN
Marami ang nagulat at humanga sa umano’y pagiging makabayan at katapangan ng dalawang sikat na artista na sina Matteo Guidicelli at Robin Padilla na kasalukuyang nagsasanay bilang Philippine Army Reservists. “Walang hihigit sa tapat na paglilingkod at pagtulong sa kapwa sundalo at sa bayan lalo na kung may banta laban sa seguridad at agresyon mula sa mga dayuhang bansa,” ani Matteo. Para naman kay Robin, ang kanyang pagpasok ay pagbibigay ng huwaran sa mga kabataang Filipino na seryosohin ang paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Kaugnay dito ay pagsertipika ni Pangulong…
Read MorePHILSCAM?
Laman ng balita sa telebisyon, radyo at Internet ang isyu ng “ghost dialysis” at fraudulent claims sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC). Kasunod nito ay ang pagbibitiw sa pwesto ng mga miyembro ng board of directors kasunod ng pagpapalit ng bagong pamunuan nito. Habang kasalukuyang binubuo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Healthcare Act or Republic Act 11223 at naghahanap ng sapat na pondo upang mapatupad ito, saka naman lumabas ang isyu ng umano’y maanomalyang claims ng mga health institutions na umaabot ng P154 bilyon. Dahil sa malaking…
Read MorePUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST
SIMULA sa isang linggo uupo na ang mga nanalong mga opisyal mula senador hanggang konsehal. Marami ang mga bagong mukha at marami rin naman ang nanalong matatagal na sa puwesto. Tapos na ang panahon para sa matatamis na salita at pangako, panahon na para suklian ang mga botante ng tuwiran at tapat na pagsisilbi. Ayon sa ating Konstitusyon, “Public office is a public trust.” Ang mga naglilingkod sa pamahalaan ay dapat magsilbi sa taong bayan ng may katapatan, kagalingan at karangalan. May ngipin ang mga katagang sa mga may tunay…
Read MoreDEPRESSION: MENTAL HEALTH AT EKONOMIYA
MAYROONG dalawang kahulugan ang salitang depression. Isa ay patungkol sa mental illness, ang isa naman ay tungkol sa mahirap na kalagayan ng ekonomiya. Hindi ba’t sinasalamin din ng ating kalusugan ang tunay na lagay ng ating lipunan? Mahigit sa tatlong milyong Filipino na ang apektado ng depression ayon sa Department of Health. At may higit na 300 milyong katao ang nakakaranas nito sa buong mundo. Tumaas ang bilang ng nakakaranas nito ng 18 porsyento mula 2005 hanggang 2015 at patuloy na dumarami pa. Isa ang depression sa pangunahing dahilan sa…
Read MoreMAKABAGONG AMA
NakaMamanghang isipin kung paanong binago ng panahon ang pagdiriwang ng Father’s Day dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang sulok ng mundo. Hindi lang pamamaraan sa pagdiriwang ang nagbago, maging ang bahaging ginampanan nila sa pamilya at lipunan ay naging progresibo. Dati-rati, ang pagbati ay natatanggap nang personal, sulat-kamay na mga liham, tawag sa telepono, o kaya naman ay isang malikhaing scrapbook. Tatapusin ang pagdiriwang sa paboritong kainan o sa masarap na salu-salo sa tahanan. Sa kasalukuyan, matatanggap na ang mga pagbati sa pamamagitan ng social media gamit ang napiling larawan o isang video clip.…
Read More