MATTEO AT ROBIN

MAGING WAIS KA

Marami ang nagulat at humanga sa umano’y pagiging makabayan at katapangan ng dalawang sikat na artista na sina Matteo Guidicelli at Robin Padilla na kasalukuyang nagsasanay bilang Philippine Army Reservists.

“Walang hihigit sa tapat na paglilingkod at pagtulong sa kapwa sundalo at sa bayan lalo na kung may banta laban sa seguridad at agresyon mula sa mga dayuhang bansa,” ani Matteo.

Para naman kay Robin, ang kanyang pagpasok ay pagbibigay ng huwaran sa mga kabataang Filipino na seryosohin ang paglilingkod at pagmamahal sa bayan.

Kaugnay dito ay pagsertipika ni Pangulong Duterte sa proposisyon ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa senior high school bilang isang urgent bill noong June 3. Nais ng pangulo na ma­ging handa ang kabataang Filipino sa panahon na sila ay tawagin at maglingkod sa bayan, at sa ROTC maaaring magsimula ang mga adhikaing ito.

Kung tutuusin, ang lahat ng mga kabataang Filipino simula 21 years old ay maaaring maging isang military reservist. Kailangan daw ito, dahil mara­ming Pinoy ang nagsasabi na dapat makipaglaban ang ating gobyerno sa ginagawang pambu-bully sa atin ng China sa isyu ng pag-angkin sa West Philippine Sea.

May punto ang pahayag ni dating PNP chief at Senador Ronald ‘Bato’ deLa Rosa na marami sa netizens ang gustong makipaggiyera sa China, pero ayaw naman daw na ibalik ang mandatory ROTC. Ang pakikipaglaban ay hindi nagsisimula at natatapos sa pagpindot ng mga letra sa ating computers at cellphones, kung kaya’t suportado ni Sen. Dela Rosa ang pangulo na ibalik ang ROTC.

Ilang Matteo at Ro­bin ba ang kailangan ng bayan? Sa kabila ng kasikatan at karangyaan ng dalawang aktor, pinili nila ang magsakripisyo at sumailalim sa elite training ng PA.

Sabi ni US President Donald Trump patungkol sa Foreign Policy, “Everything begins with a strong military. We will have the strongest military in our history and our people will be equipped with the best weaponry and protection available.”

Kaya nararapat lamang na Maging waIs tayo at tulungan din natin ang ating gobyerno na mapaglaanan ng sapat na pondo ang modernisasyon ng militar, sapat na bilang ng sundalo sa ating bansa, at sapat na suportang moral.

Para sa komento, at suhestiyon maaaring mag-email sa ilagan_ramon@yahoo.com. (Maging wais Ka! /MON ILAGAN)

154

Related posts

Leave a Comment