BUMABA na ang coliform level sa Manila Bay, isang taon matapos itong isailalim sa rehabilitasyon. Ayon kay Department of Environment and National Resources (DENR)-Manila Bay Coordinating Office Director Jake Meimban, bumaba na ang fecal coliform level sa Manila Baywalk, Baseco beach at Estero Antonio de Abad, ngunit, hindi pa rin ito pasok sa standard level. “We are winning on these three priority areas in terms of lowering the fecal coliform level, also in terms of collecting or cleaning up the garbage in that area. But on the coliform levels, a…
Read MoreTag: manila bay
RELOKASYON NG SQUATTERS SA MANILA BAY, 24% PA LANG –NHA
(NI JEDI PIA REYES) IPINAMAMADALI na ng House Committee on Natural Resources sa National Housing Authority ang paghahanap ng relokasyon at pagtatayo ng pabahay para sa mga informal settler sa paligid ng Manila Bay. Ayon kay committee chairman Rep. Elpidio Barzaga Jr., hindi tuluyang malilinis ang Manila Bay hangga’t may mga informal settler na nagtatapon sa ilog. Sinasabing 80 porsiyento ng polusyon sa Manila Bay ay mula sa mga basurang itinatapon ng informal settlers. Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Christine Firmalino ng NHA, na nasa 24 porsyento pa lang…
Read MoreBoC HIRAP SUGPUIN ANG OIL SMUGGLING SA BANSA
(NI BETH JULIAN) HINDI makasagot ang Bureau of Customs (BoC) sa isyu kung may pagkukulang sila kung bakit naipupuslit papasok sa bansa ang mga langis o produktong petrolyo. Sa idinaos na economic briefing sa Malacanang, nang tanungin tungkol sa isyu, tanging naisagot ni Customs Deputy Commissioner Teddy Raval, BoC Enforecement Group, na marami umanong uri ng smuggling ng langis kaya kadalasan ay nangyayari ang pagpupuslit sa gitna ng karagatan. Sinabing ang malalaking barko na may karga ng langis ay dinidikitan ng mas maliliit na barko para rito ilipat ang produkto…
Read MoreSINLAKI NG MANILA, QC TATABUNAN SA MANILA BAY
(NI BERNARD TAGUINOD) KASING-LAKI ng pinagsamang land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tatabunan sa Manila Bay kapag natuloy ang 22 reclamation projects sa nasabing karagatan. Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na walang pakinabang ang mga mahihirap sa reclamation projects na ito bagkus ay mabibiktima ang mga ito lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad malapit sa Manila Bay. “Imagine, the area to be reclaimed in as huge as the entire Quezon City and Manila combined. And this is not to…
Read MoreMAHIHIRAP GINAGAMIT SA RECLAMATION ISSUE
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI dapat magpadala ang mga Filipino sa propaganda ng ilang nagsusulong sa reclamation projects sa Manila Bay na pakikinabangan ito ng lahat lalo na ang mga mahihrap dahil taliwas ito sa katotohanan. Ito ang nagkaisang pananaw nina Marikina Reps. Bayani Fernando at Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa pagdinig ng House committee on metro manila development hinggil sa reclamation projects sa Manila Bay. Hindi naitago ng dalawang mambabatas ang kanilang pagkainis sa propaganda na makakatulong sa mga mahihirap kapag nai-reclaim ang Manila Bay dahil sa mga development…
Read MoreBAHAGI NG MANILA BAY ISASARA
ISASARA Miyerkoles ng umaga ang ilang bahagi ng Manila Bay kasunod ng pagdagsa ng publiko at maligo sa dagat sa kabila ng matinding polusyon ng tubig. “Ire-renovate na siya (it will be renovated) to become world-class,” sabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda. Babakuran ang buong kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard, mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club gamit ang orange plastic barriers. Naglagay na rin ng karagdagang warning sign na nagbabawal maligo sa lugar. Ito ay bunsod ng insidenteng nalunod at patuloy na nasa kritikal na kondisyon ang 11-anyos…
Read MoreHIGIT 100 LOCAL OFFICIALS MALALAGOT SA MANILA BAY REHAB
(NI JEDI REYES) MAGPAPALABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 107 lokal na opisyal para pagpaliwanagin sa polusyon ng Manila Bay. Ayon kay Undersecretary Martin Diño, kabilang sa mga hinihingan ng paliwanag ay ang ilang alkalde at kapitan ng mga barangay. Diin ng opisyal, sa nakalipas na maraming taon ay nabigo ang mga lokal na opisyal na mahigpit na ipatupad at bantayan ang implementasyon ng mga batas patungkol sa pagtatapon ng basura ng mga komunidad na nasa paligid ng Manila Bay. Sinabi…
Read MorePALASYO OK SA RECLAMATION PROJECTS SA MANILA BAY
BUKAS ang Malacanang sa reclamation projects sa Manila Bay kahit pa nagbabala ang mga makakaliwang mambabatas na ang pagpapatayo ng imprastraktura ay nangangahulugan ng pagkawala ng tirahan ng mga informal settlers sa paligid ng makasaysayang bay. Sa Palace press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ang pinaplanong reclamation project ay makalilikha ng kita sa gobyerno at trabaho sa mga Pilipino. Sinabi naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao at mga kasamahan sa Makacabayn bloc na kailangang harangin ang ginagawang paglilinis hanggat hindi nakagagawa ng ‘holistic study’ na makaaapekto sa…
Read More7K MANGINGISDA MAWAWALAN NG KAYOD
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) AABOT sa 7,000 mangingisda ang mawawalan ng hanapbuhay sa sandaling simulan na ang Manila Bay Reclamation projects, hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kundi sa Bacoor Cavite. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, hindi nila tinututulan ang Manila Bay Rehabilitation subalit kontra ang mga ito sa reclamation dahil magugutom ang pamilya ng may 7,000 mangingisda sa nasabing karagatan. Sinabi ng mambabatas na kapag natuloy ang reclamation project ay tiyak na masisira ang fishing ground ng mga maliliit na mangingisda sa 194-kilometrong coastline mula…
Read More