WALANG POWER INTERRUPTION PERO DAGDAG-SINGIL NAKAAMBA

meralco1

(NI MAC CABREROS) TITIMBANGIN ng Manila Electric Company (Meralco) kung itutulak ng yellow alert o pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid ang singil sa kuryente. Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, hindi pa nila matantiya sa ngayon kung may epekto sa singil sa kuryente ang nasabing yellow alert na  kasalukuyang nakaamba sa Luzon. “Sa ngayon, medyo maaga pa na sabihin kung ano ang magiging final impact sa presyo ng kuryente ngayong Abril,” pahayag Zaldarriaga. Nabatid ng Saksi Ngayon sa Independent Electricity Market Operator of Philippines (IEMOP) na…

Read More

SINGIL NG MERALCO POSIBLENG TUMAAS

meralco8

Ni FRANCIS SORIANO DAHIL sa pagnipis ng supply ng kuryente sa epekto ng El Niño, nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito. Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, muling isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 Martes ng umaga. Mararanasan din umano ito ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon. Gayunman, nauna…

Read More

SUPPLY NG KURYENTE SA LUZON KINAKAPOS

luzongrid12

(NI JEDI PIA REYES) DALAWANG araw na magkasunod mula ng pumasok ang buwan ang Abril nang makaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes. Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants. Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Department…

Read More

SUPPLY, SAPAT, ‘WAG MANGAMBA — MERALCO

meralco1

TINIYAK ng Manila Electric Company (Meralco)  na sapat ang supply ng kuryente sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam na pinagkukunan ng hydroelectricity. Ang bulto ng supply ng Meralco ay galing sa natural gas plants sa Batangas province, ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga. “May sapat po tayong supply at huwag po tayong mangangamba dahil sapat po ang ating reserba,” sabi nito sa panayam. Sinabi rin ni Zaldarriaga na ang power interruption na mararanasan ngayong linggo sa Metro Manila at kalapit na probinsya ay dahil sa…

Read More

POWER INTERRUPTION INIANUNSIYO NG MERALCO

MERALCO-1

(NI KEVIN COLLANTES) MAGPAPATUPAD muli ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang linggong pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ngayong unang linggo ng Abril, bunsod ng ilang nakahanay na maintenance works. Sa paabiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Abril 1, Lunes, at magtatagal hanggang sa Abril 7, Linggo. Nabatid na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Sampaloc, Sta.Ana at Sta. Mesa sa Maynila; Doña Imelda sa Quezon City; Bagumbong at Camarin sa Caloocan City at Manggahan sa Pasig…

Read More

POWER INTERRUPTION NG MERALCO NGAYONG LINGGO

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES) MAKARARANAS ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ngayong linggo dahil na rin sa nakahanay nilang maintenance work. Batay sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Marso 25, Lunes, at magtatagal hanggang sa Marso 31, Linggo. Ayon sa Meralco, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Pinas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang…

Read More

HABANG MAY KRISIS SA TUBIG; BROWNOUT NAMAN NGAYON

meralco8

(NI DAHLIA ANIN) NAGBIGAY ng abiso sa publiko ang Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit probinsiya dahil sa mga gagawing maintenance. Sa Marso 18-24 ang nakatakdang iskedyul at ilan sa maapektuhan ay ang Caloocan City (TALA), Mandaluyong City (Wack Wack Greenhills East), Pasig City (Kapitolyo, Pineda at Ortigas Center), San Juan City at Quezon City (Central at Vasra, Cubao at Diliman). Maapektuhan din ang ilang kalapit probinsya tulad ng Bulacan (Bocaue at Malolos City), Cavite (Dasmariñas, Imus at Gen. Trias…

Read More

P4P SA MERALCO: SOLI-BAYAD NGAYON NA!

meralco200

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO) MULING nagsagawa ng magkakasunod na kilos-protesta ang mga consumers ng Meralco upang kondenahin  ang kasalanan ng kumpanya  sa hindi pagbabalik ng refund sa overcharging na pinataw nila sa singgil sa kuryente. Pinangunahan ng Power for People (P4P) ang kilos-protesta sa mga sangay ng Meralco kasama ang civil society group at igniiit na dapat gamitin ang hindi pa naibabalik na refund ng Meralco upang mapababa ang presyo ng kuryente. Sa desisyon ng Korte Suprema, lumabas na  mayroong overcharged na ipinatong ang Meralco sa kanilang…

Read More

TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG MARSO

meralco1

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY RAFAEL TABOY) MAY siyam na sentimong dagdag-singil sa kuryente kada kilowatt hour (kwh) ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Marso. Ayon kay Meralco spokespeson Joe Zaldarriaga, nangangahulugan ito na ang mga consumers na nakakagamit ng 200 kwh sa isang buwan ay magkakaroon ng P18 dagdag sa kanilang bayarin sa kuryente ngayong buwan, habang P26 naman ang dagdag sa mga tahanang nakakakonsumo ng 300 kwh; P36 para sa mga nakakagamit ng 400 kwh at P45 naman ang madadagdag sa bayarin ng mga consumers na nakakagamit…

Read More