STATION POLICE NAKATIWANGWANG; ADIK AT KRIMINAL NAGKALAT?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, mga residente po kami ng Tower Ville sa Barangay Gaya- Gaya San Jose Delmonte, Bulacan City. Napakaligalig po ng aming lugar kasi laging may riot. Talamak ang droga at minsan po ay nagtatanghalian ‘yung kapitbahay namin ay hinoldap. Kapag humingi ka naman ng responde bago makarating ang mga tanod at pulis wala na ang mga suspek dahil nakapagtago na. Natuwa po kami nang makita naming may ginagawang Police Station sa Phase 6 -B Tower Ville ngunit hindi naman itinuloy. Iniisip naming mga residente na ito na ang kasagutan…

Read More

CHIKOS AT ZH&K MOBILE PHONE SIRAIN?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, bumili po ako ng cellphone na may tatak na ZH&K, natuwa ako dahil mura. Ngunit wala pang isang linggo ay nasira agad kaya’t bumalik ako sa binilhan ko dahil pasok pa ito sa ibinigay na warranty period. Pinalitan naman agad ng kanilang tindera. Nang buksan ko uli ang ipinalit na cellphone ay baterya naman ang naging problema dahil madaling mag-lowbat. Matapos ang dalawang linggo sira na naman ang unit na binili ko kaya ibinalik ko uli sa binilhan kong mall. Ang sabi ko, “Bakit ganyan ang unit ninyo…

Read More

ANGCO FARM AT MALIGAYA FARM LUMABAG SA CLEAN AIR ACT!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, mga residente po kami ng Heroes Ville 1 and 3 dito sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan City. Grabe po ang aming sakripisyo lalo na kapag tag-ulan doon dahil malimit ang mga farm na magpakawala ng mga dumi ng kanilang mga alagang baboy at manok mula sa kanilang imbakan at sinasabay ‘pag malakas ang buhos ng ulan. Lalo kaming nabahala nang kumalat ang sakit na African Swine Fever (ASF). Mula sa mga tubo, lumalabas ang masangsang na amoy sa kanilang mga septic tank na dumi ng…

Read More

WALA SA LUGAR ANG TAPANG?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, masyadong matapang ang isang pulis na si PCpl Belfred Delarosa ng PCP 3 Pabahay 2000. Nitong August 29, 2019 bandang alas-kuwatro ng hapon nang lumabas ako para i-claim ang padala sa akin. Nakasakay po ako ng aking motor mula sa kanto na may 50 metrong layo sa aming bahay ay may checkpoint. Nakita ako ni PCpl Delarosa, nilapitan ako at tinanggal ang helmet. Tinanong ko kung ano ang vilolation ko. Sa halip na sagutin ako nang maayos ay agad akong pinagmumura. Sir, sa dami ng aking naging karanasan…

Read More

VIP ESCORT SA LIBING DAPAT IPAGBAWAL NA!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, sana po mabigyan ng  pansin ng Malacañang na ipagbawal na ang pag-e-escort sa mga nililibing na mga patay dahil mistulang pag-aari nila ang kalsada dahil sa bilis ng kanilang escort na hagad. Gaya po ng isang pangyayari na dumaan sa kahabaan ng Qurino Highway SJDM Bulacan na may isang opisyal na ililibing ay kung makahawi ng motorista ang mga hagad ay wagas. Alam naman nila na ang trapik sa NCR ay grabe na. Paano naman iyong mga sasakyan nilang iniwan sa tabi o kaya sa intersection lalong nagkakabuhul-buhol.…

Read More

MVIS CERTIFICATE PEKE – TESDA

Misyon Aksyon

Kinumpirma ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na peke ang ibinigay na certificate of training noong March 15 kay Gilson Busa para sa Motor Vehicle Inspection Service (MVIS). Ito ay dinaluhan noong March 5 at 10, 2019 sa kanyang training na may lagda ng service administrator ng Regional Training Center Central Luzon (RTCCL) Guiguinto Bulacan. Ito ang paliwanag ng opisyal, “Arnel: TESDA does not issue the attached certificate. We always use NPO printed with security feature certificates. The signatories are also not related with TESDA.” Panawagan naman ni…

Read More

BASURA SA PABAHAY 2000

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, sana maaksyunan ng mga taga-Department of Environment and Natural Resources San Jose Del Monte (SJDM) at kapitan ng Barangay Muzon, Bulacan City, ang problema ng mga residente ng Pabahay 2000 dahil kapag malakas ang ulan ay sumasabay na umaagos ang mga ba­sura patungo sa creek. Dahil dito, nagi­ging sanhi ito ng pagbabara at pagbaha sa naturang lugar. Mula pa po nang mailipat ang mga nai-relocate, hindi pa nade-declog ang mga imburnal na kanilang inilagay. Isa pa, ang mga asong gala na dumudumi sa madaling araw na animo’y nakikipagpatintero ka…

Read More

TESDA, DEDMANG AKSYUNAN ANG PEKENG CERTIFICATE

Misyon Aksyon

Nagsadya ang Misyon Aksyon sa tanggapan ng TESDA upang makunan ng panig ukol sa reklamo ni Salvador Francisco ng Cainta, Rizal sa mga pekeng ipinamahaging sertipiko mula sa Guiguinto, Bulacan. Nang makausap namin ang staff ng Public Information Department, ipinasa at ipina-receive ang sulat nitong July 18, sa tanggapan ng Records Section ni Maria Michelle Genito. Makaraan ang isang linggo, nakatanggap kami ng email noong July 23 mula kay Jasmin Gomez ng Office of Directorial General (ODG) na kanilang sagot. “This is to acknowledge the receipt of your letter bearing…

Read More

ILANG STALL OWNER SA ISANG MALL WALANG OR!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, pakika­lampag naman po at pakiimbestigahan ang ilang mga stall owner sa mga mall ng SM dahil walang i­binibigay na official receipt (OR) sa halip ay resibong ‘Recto’ ang ibinibigay sa kanilang mga kustomer. Ito ang naranasan ko nang bumili ako ng cellphone, binigyan ako ng ‘hao shiao’ na resibo na walang pangalan ng may-ari at ito ang kanilang resibo, na wala kang mababakas na dumaan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kabila ng paghihigpit ng gobyerno. May business permit sila at DTI ngunit wala silang opisyal na…

Read More