NAKATIKIM na rin ng panalo ang Motolite nang talunin ang Bali Pure Purest Water Defenders sa straight sets, 25-16, 25-21, 25-18 sa PVL Reinforced Conference Season 3 kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Matapos tambakan ang Bali Pure sa opening set, muntik nang mabitiwan ng Motolite ang sumunod na set, kung saan naghabol pa ito ng anim na puntos, 13-19. Sa pamamagitan ni Channon Thompson, pinangunahan niya ang atake ng Motolite na tinampukan ng 12-2 rally, para sa come-from-behind win. Inaasahang gagamitin ng Motolite ang momentum…
Read More