MOTOLITE NAKATIKIM NG PANALO

pvl21

NAKATIKIM na rin ng panalo ang Motolite nang talunin ang Bali Pure Purest Water Defenders sa straight sets, 25-16, 25-21, 25-18 sa PVL Reinforced Conference Season 3 kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Matapos tambakan ang Bali Pure sa opening set, muntik nang mabitiwan ng Motolite ang sumunod na set, kung saan naghabol pa ito ng anim na puntos, 13-19.

Sa pamamagitan ni Channon Thompson, pinangunahan niya ang atake ng Motolite na tinampukan ng 12-2 rally, para sa come-from-behind win.

Inaasahang gagamitin ng Motolite ang momentum na ito sa pagharap sa PacificTown-Army sa Hunyo 16 sa Imus Sports Complex. Habang pipilitin namang rumesbak ng Bali Pure sa Hunyo 12 kontra Creamline sa Filoil Arena.

Umakyat naman sa third spot ang PacificTown-Army matapos ang mahigpitang five-set win kontra BanKo, 25-22, 23-25, 27-29, 25-20, 15-7.

Umiskor si Jenelle Jordan ng 23 points para Lady Troopers.

Si Olena Lymareva-Flink ay may 19 points, 14 excellent receptions at 13 digs. Habang ang ‘di lagging isinasalang na si Jem Gutierrez ay umiskor ng apat para sa huling siyam na puntos ng Lady Troopers.

177

Related posts

Leave a Comment