INIT PROBLEM SA MRT-3, GOODBYE NA

mrt15

(KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang mag-season finale o matapos ang ‘init problems’ na nararanasan ng mga train commuters ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang paabiso, ipinagmalaki ng DOTr, na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, na ito’y dahil unti-unti nang nagdadatingan ang mga bagong air-conditioning unit na binili nila upang mailagay sa mga tren ng MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA at siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City. Ayon sa DOTr, sa ngayon ay…

Read More

MRT-3 TIGIL-BIYAHE MULA APRIL 15-21

mrt15

(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na sususpendihin nila ng isang linggo ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw. Ito’y upang bigyang-daan ang kanilang annual general maintenance shutdown. Batay sa paabiso ng DOTr, itatapat nila ang pagtitigil ng biyahe para sa pagkukumpuni, sa Mahal na Araw, o mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Layunin anila nito na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga mananakay, na inaasahang magsisiuwian naman sa kani-kanilang lalawigan upang…

Read More

MRT-3 UMUSOK; ‘SHORT CIRCUIT’ ITINURONG DAHILAN

mrt3

NAGKAROON umano ng short circuit dahilan para umusok ang isa sa mga bagon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3). Agad na inihinto ang tren at pinababa ang mga pasahero, Lunes ng gabi. Sa statement, sinabi ng MRT3 na nakita ng mga technician ang short circuit sa high voltage wire ng traction motor. Isinailalim na rin umano sa pagkumpuni ang tren  sa MRT-3 depot sa Quezon City. Noong Enero, 2018, umusok din ang isa sa mga bagon ng MRT-3 dahil sa kanilang circuit breaker.  Setyembre 2017 naman nang pababain ang mga pasahero…

Read More

FREE RIDE SA MRT-3 SA KABABAIHAN NGAYONG BIYERNES

mrt12

(NI KEVIN COLLANTES) MAGKAKALOOB ng libreng sakay para sa mga babaeng commuters ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ngayong Biyernes, Marso 8. Batay sa inisyung advisory ng DOTr, nabatid na ang free ride ay bilang pakikiisa ng kanilang tanggapan sa pagdiriwang ng International Women’s Day. “Magandang Balita: Ang DOTr MRT-3 ay magbibigay ng libreng sakay sa aming mga babaeng mananakay sa darating na ika-8 ng Marso, 2019, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day!” nakasaad pa sa paabiso ng DOTr sa kanilang social media accounts. Ayon…

Read More

DOTr SA PASAWAY: ‘WAG SANDALAN ANG PINTO NG MRT

mrt25

(NI KEVIN COLLANTES) UMAPELA sa kanilang mga mananakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na huwag sandalan ang mga pintuan ng kanilang mga tren upang makaiwas sa aberya. Ito’y kasunod nang aberya na dinanas ng isang tren ng MRT-3 dakong alas-6:34 ng umaga nitong Miyerkoles sa southbound lane ng Ortigas Station, kung saan napilitan silang magpababa ng may 800 pasahero. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang aberya ay sanhi ng “door failure glitch.” Posible umanong dulot ito nang pagsandal ng mga pasahero sa pintuan…

Read More

MRT3 TUMIRIK; DAAN-DAANG PASAHERO NAPERWISYO

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) MAY 450 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang naperwisyo at napilitang bumaba nang tumirik ang sinasakyan nilang tren sa Quezon City Miiyerkoles ng tanghali. Batay sa inilabas na paabiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-12:48 ng tanghali nang magkaroon ng electrical failure sa motor dahil sa mga lumang piyesa, ang naturang tren sa southbound area ng Quezon Avenue station, kaya’t kinailangang pababain ang mga pasahero nito. Inabot naman ng 14 na minuto o dakong 1:06 ng hapon, bago nakasakay muli sa kasunod na…

Read More

‘TAHO GIRL’ SISIPAIN NA PALABAS NG PINAS

taho12

DIRINGGIN na ng Board of Commissioners ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case na isinampa laban sa Chinese national na nansaboy ng taho sa isang pulis na nakadestino sa MRT 3 Boni Station. Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, ipina-prayoridad umano nila ang kaso at nais nilang mapaalis agad sa bansa si Zhang Jiale, 23, isang fashion design student sa Makati. Una rito siniguro ng BI na dadaan sa tamang proseso ang deportation case laban sa Chinese national. Nakitaan umano ng kanilang legal team ng probable cause ang ginawa…

Read More

KINUMPISKANG GAMIT SA MRT3 PWEDE PANG BAWIIN

mrt1

(NI KEVIN COLLANTES) NILINAW kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na maaari pa ring mabawi o makuhang muli ng kanilang mga pasahero ang mga ipinagbabawal na items na kinumpiska sa kanila sa pagsakay sa istasyon ng kanilang mga tren ng Metro Rail Transit Line (MRT-3). Sa isang paabiso, sinabi ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 na anumang oras ay maaaring makuhang muli ng mga pasahero ang kanilang mga gamit, mula sa mga Station Supervisor sa istasyon kung saan nakumpiska ang mga ito. Kinakailangan lamang umanong magpakita ng identification cards (IDs) ng mga pasahero upang matiyak…

Read More

MRT-3 NAGPALIWANAG VS ‘LIQUID BOMB’ SA COMMUTERS

MRT-13

(KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG na ang Department of Transportation -Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) hinggil sa ginawa nilang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad at pagbabawal sa pagpapasok ng mga likido sa kanilang mga istasyon at mga tren.Ayon sa DOTr-MRT-3, isang email na nagbabanta na pasasabugin ang MRT-3 ang kanilang natanggap noong Enero 3 sanhi upang kaagad silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang matunton ang pinagmulan nito. Dito na rin umano sila nagpasyang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad dahil sa pangambang…

Read More