NAPOLES MUNTIK MAPALAYA; BUCOR ISASALANG SA KAMARA 

(NI BERNARD TAGUINOD) “ANG lala.” Ganito inilarawan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakasama sa pangalan ni Janet Napoles sa dapat makinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi katanggap-tanggap na makinabang si Napoles na nasentensyahang guilty sa kasong plunder, sa nasabing batas. Nabuko na kasama ang pangalan ni Napoles sa dapat makinabang sa nasabing batas sa gitna ng umiinit na imbestigasyon sa anomalya sa Bureau of Correction (Buco) na nagpalaya ng mga heinous crime convicts tulad ng drug lord,…

Read More

NAPOLES SINILBIHAN NG BAGONG ARREST WARRANT

napoles12

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG panibagong warrant of arrest ang isinilbi ng mga awtoridad sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa loob mismo ng kinapipiitan nitong Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, Biyernes ng hapon. Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad kay Napoles ang naturang mandamyento de aresto. Lumilitaw na ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Oscar Herrera Jr., chairperson ng Second Division ng Sandiganbayan, laban kay Napoles dahil sa kasong…

Read More

PLUNDER NINA JINGGOY, NAPOLES TULOY

napoles12

(NI ABBY MENDOZA) TULOY ang gagawing paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder nina  dating senador Jinggoy Estrada at Janet Napoles matapos ibasura ng graft court ang apela nito. Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division sinabi nito na kumbisido ang anti-graft court na sapat ang testimonial at documentary evidence na inihain ng prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng dalawang akusado. Partikular na tinukoy bilang malakas na ebidensya ng Sandiganbayan ang kasunduan nina Napoles at Estrada na idaan ang PDAF allocation nito sa NGOs na Magsasaka Foundation Inc (MAMPI) at Social Development…

Read More

GRAFT CASE NI BONG HILING MAILIPAT SA QC COURT

bong

(NI TERESA TAVARES) HIHINGI ng go-signal ang Sandiganbayan sa Supreme Court upang idaos sa isang korte sa Quezon City ang paglilitis sa kasong graft laban kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. at sa iba pang kapwa akusado. Ayon kay Sandiganbayan First Division chairperson Associate Justice Efren dela Cruz, sa ilalim ng Rules of Court, dapat idaos ang pagdinig sa New Bilibid Prisons (NBP) kasunod ng pagkakahatol na guilty sa dating legislative aide ni Revilla na si Richard Cambe at sa utak umano ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Si Cambe ay…

Read More

NAPOLES PINAAALIS NA SA CAMP BAGONG DIWA

napoles200

TINANGGIHAN ng Sandiganbayan ang apela ng grupo ni Janet Lim Napoles na manatili sa kanyang detention cell sa Camp Bagong Diwa, Quezon City at iginiit na ilipat na ito sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City. Hindi pinayagan ni First Division chair Associate Justice Efren dela Cruz ang motion for reconsideration ng kampo ni Napoles na manatili ito sa Camp Bagong Diwa. Gayunman, sinabi ng kampo ni Napoles na hindi ito ligtas sa CIW. Noong December 28 pa iniutos ng Sandiganbayan na ilipat si Napoles sa koreksiyunal subalit…

Read More