RELOKASYON NG SQUATTERS SA MANILA BAY, 24% PA LANG –NHA

(NI JEDI PIA REYES) IPINAMAMADALI na ng House Committee on Natural Resources sa National Housing Authority ang paghahanap ng relokasyon at pagtatayo ng pabahay para sa mga informal settler sa paligid ng Manila Bay. Ayon kay committee chairman Rep. Elpidio Barzaga Jr., hindi tuluyang malilinis ang Manila Bay hangga’t may mga informal settler na nagtatapon sa ilog. Sinasabing 80 porsiyento ng polusyon sa Manila Bay ay mula sa mga basurang itinatapon ng informal settlers. Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Christine Firmalino ng NHA, na nasa 24 porsyento pa lang…

Read More

12 OPISYAL NG NHA KAKASUHAN SA PALPAK NA YOLANDA HOUSING

(NI ABBY MENDOZA) INIREKOMENDA ng  Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman na kasuhan ng kriminal at administratibo ang 12 opisyal ng National Housing Authority (NHA) dahil sa mga anomalya sa Yolanda Housing. Hindi pa tinukoy ng PACC ang mga opisyal sa katwirang bahagi ito ng due process dahil hindi pa nakapagsasagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman. Gayunman, sinabi nitong ang mga opisyal ay pawang kabilang sa Bids and Awards Committee ng NHA-Eastern Visayas na nilabag ang Section 8, Rule VI ng  Code of Conduct and Ethical Standards for…

Read More

INFORMAL SETTLERS BIBIGYAN NG MAAYOS NA PABAHAY

squatter

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na itatapon kung saan-saan at malalayong lugar ang mga informal settlers at hindi na rin mahihilo ang mga mamamayan bago magkaroon ng maayos na bahay sa sandaling maitatag na ang Department of Human Settlemens and Urban Development (DHSU). Ito ang tiniyak ni House committee on housing chairman Albee Benitez matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11201 o ang Department of Human Settlemens and Urban Development Act. Papalitan ng nasabing departamento ang National Housing Authority (NHA) at pag-iisahin na ang lahat ng mga ahensya…

Read More