TULAK NILIKIDA NG RIDING IN TANDEM

Isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang patay nang tambangan ng dalawang kalalakihang sakay ng isang motorsiklo sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Malabon City Police chief Senior Supt. Jessie Tamayao,  kinilala ang biktimang si Virgilio Cardenas, 46 anyos ng  Jacinto Street, Barangay Marulas, Lungsod ng Valenzuela na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. habang ang mga suspek naman ay mabilis ding nagsitakas matapos ang pamamaril. Nabatid na ganap na 10:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima…

Read More