(NI JEDI PIA REYES) HINDI umano aprubado ng Office of the President ang ipinatupad na dagdag-sweldo para sa mga opisyal at empleyado ng Home Development Mutual Fund (HDMF o Pag-IBIG Fund). Ayon sa 2018 annual audit report ng Commission on Audit (COA), maituturing na illegal disbursements ang pinondohan na P248.319 milyong salary increase ng PAGIBIG Fund kaya’t dapat nang itigil ang pagbabayad nito. Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1597, gayundin ng COA circular at sa regulasyon ng Department of Budget and Management (DBM), ang paggawad ng dagdag-sahod na hindi…
Read More