OFWs BIKTIMA NG LINDOL, AAYUDAHAN NG OWWA

(NI ROSE PULGAR) MAKATATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na naapektuhan ng lindol mula sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon sa OWWA, ang ibibigay na tulong pinansyal ay bunsod ng napagkasuduan ng board para mapabilis at  maipang-ayuda sa mga kababayang OFWs na napinsala ang mga ari-arian dulot ng lindol. Ang financial assistance ng OWWA ay makukuha ng mga aktibong miyembro nito. Panawagan ng ahensya  na agad makipag- ugnayan  ang OWWA members  na OFW sa pinakamalapit na tanggapan o sangay ng OWWA. Sinabi…

Read More

MOCHA COVERED NG 1-YEAR APPOINTMENT BAN — GAITE

(NI ABBY MENDOZA) MALI na italaga ng Malacanang si Mocha Uson sa bagong posisyon dahil sakop pa ito ng appointment ban. Ito ang pagsita ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos italaga ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon kay Gaite, malinaw na nakasaad sa Section 6 Article 9 ng 1897 Constitution na walang kandidato na natalo ang maaaring ipuwesto sa anumang government position isang taon matapos ang eleksyon. Ganito rin umano ang nakasaad sa Local Government Code,…

Read More

DOLE, DFA MABABAWASAN ANG TRABAHO SA DEP’T OF OFW

dfa dole44

(NI BERNARD TAGUINOD) MABABAWASAN ang trabaho at responsibilidad ng Department of Labor and Employment (DOLE)  at Department of Foreign Affairs (DFA) kapag naitatag na ang Department of Overseas Filipino Workers. Ito ang nabatid sa ACT OFW Coalition of  Organization na labis na ikinatuwa ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang maitatag na ang OFW Department bago matapos ang taong 2019. Ayon sa grupo na pinamumunuan ni dating Rep. Aniceto Bertiz III, hihiwalay na sa DOLE ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Maging ang  Philippine Overseas Labor Offices (POLOs)…

Read More

‘NGIPIN’ NG POEA SA RECRUITMENT AGENCIES, OFWs GUSTONG ALISIN

poea12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAWAWALAN ng papel ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at maging ang mga recruitment agencies kapag lumusot ang isang panukalang batas sa Kamara na naglalayong madaliin ang pag-alis ng mga Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa. Sa House  Bill  (HB) 8842 o  Filipino Global Employment Act na iniakda niHouse Committee on Overseas Workers’  Affairs chair Jesulito Manalo, nais nito na hindi na dadaan sa mahigpit na proseso ng POEA at recruitment agencies ang mga  professionals at highly-skilled Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa. “Because of unnecessary government regulations that are no longer pertinent to…

Read More

BANGKAY NG OFW INIUWING WALANG MATA, LAMAN-LOOB

owwa saudi12

(NI DAVE MEDINA) NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kalunus-lunos na sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa Kingdom of Saudi Arabia. Nang iuwi sa bansa, wala ang mga mata, laman-loob at puro pasa ang katawan ni Lemuel Lansangan, 39, sa  kanilang bahay sa Brgy. Anolid, Mangaldan, Pangasinan noong Abril 3. Ito ay makaraan ang apat na buwan matapos siyang patayin ng hindi pa kilalang suspect sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Samantala, may mga pasa si Lansangan…

Read More

MAGPAKATOTOO KA NA KASI, ARNELL IGNACIO!

(NI RONNIE CARRASCO III) THE latest Duterte appointee to have resigned from his post ay si Arnell Ignacio bilang isa sa mga high-ranking officials ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Dati nang pinamunuan ni Arnell ang may kinalaman sa community services development sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bago napunta sa ahensiyang tumutugon sa mga problema ng ating mga OFWs. Wala rin siyang halos iniwan kay Mocha Uson na noong una’y ipinuwesto sa MTRCB at kalauna’y ginawang Asec ng Presidential Communications Operations Office  (PCOO). Kapwa nagbitiw sina Mocha at…

Read More

OWWA, CCP BINIGYAN NG ‘NOTICE OF VIOLATION’ NG LLDA

oww100

(NI DAVE MEDINA) SARILING ahensya ng pamahalaan ang dalawa sa pinakahuling  nilabasan ng notice of violation sa pagdudumi sa Manila Bay ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kamakailan. Magkasama sa listahan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) headquarters building malapit sa kanto ng  F. B. Harrison Street at Gil Puyat Avenue at ang Main-Annex Building ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na parehong nasasakupan ng Pasay City ilang daang metro ang layo sa bukana ng Manila Bay. Sa impormasyong nakuha mula sa LLDA, 10 establisimyento at naunang dalawa ang binigyan ng notice…

Read More

PH SA ISRAEL: MGA IDEDEPORT TRATUHIN NANG MAAYOS

israel

(NI DAVE MEDINA) PINAKIUSAPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamahalaan ng Israel na tratuhin nang mabuti ang mga Filipino Migrant na kanilang nakatakang i-deport ng Pilipinas sa susunod na ilang araw. Humingi ng pulong ang DFA sa pamamagitan ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Leslie Baja na pinaunlakan ni Israel Ministry of Foreign Affairs Deputy Director General Gilad Cohen. Isinangkalan ni Asec Baja ang magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa paghingi ng pabor mula sa Deputy Director General ng Israel. Hiniling…

Read More