WATER INTERRUPTION AABOT NG SUMMER

(NI DAHLIA S. ANIN) MAAARING abutin hanggang summer ang problema sa suplay ng tubig sa National Capital Region, ayon sa Pagasa. Ito ay sa kabila ng mga pag-ulan na posibleng makapuno ng dam hanggang matapos ang taon. Sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam mula sa 188.34 noong Miyerkoles na malayo pa sa 210 meters na target bago matapos ang taon. Kaya tinitipid ng mga water concessionaire ang tubig upang umabot hanggang summer ang suplay nito. Gayunman, nangangamba ang ahensya na bumaba…

Read More

LPA PATULOY NA MAGPAPAULAN — PAGASA

lpa12

(NI KIKO CUETO) PATULOY na magpapaulan ngayong araw ang low pressure area na tumawid sa central Philippines. Huli itong namataan sa Sulu Sea, may 150 kilometro west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental. Tumawid ito sa Palawan, ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz. Ang Metro Manila, Calabarzon, Mamaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Visayas at ang mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay makakaranas ng kalat-kalat na ulan na kulog at pagkidlat. Bukas ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang LPA. Inaasahang lalakas ito paglabas ng…

Read More

BAGONG BAGYO BINABANTAYAN

BAGYONG USMAN-2

(NI KIKO CUETO) MAY binabantayan na bagong sama ng panahon ang Pagasa sa loob mismo ng Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ang Low Pressure Area 940 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur. Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isa itong bagyo. Pero magdadala ito ng ulan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw. Ang northeast monsoon o amihan ang magdadala naman ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. Maaliwalas na panahon naman ang aasahan…

Read More

PERLA NAKALABAS NA; BAGONG BAGYO MINOMONITOR

(NI KIKO CUETO) NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Perla, pero may binabantayan na mas malakas na bagyo ang Pagasa sa bahagi ng Pacific coast. Ang Bagyong Perla ay huling namataan 1,215 kilometers northeast ng Luzon northern tip at may maximum sustained winds na papalo sa 110 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 135 kph. Papunta ito sa direksyon ng Japan. Ayon naman kay Pagasa weather specialist Loriedin Dela Cruz, binabantayan nila ang Bagyo na may International name na “Bualoi.” Huling namataan ang bagyong Bualoi…

Read More

BAGYONG PERLA WALANG MALAKAS NA EPEKTO SA BANSA

BAGYONG USMAN-2

WALANG malakas na epekto sa bansa ang tropical storm Perla, ayon sa Pagasa sa kanilang huling weather bulletin. Sa kanilang advisory, wala ring naitalagang tropical cyclone wind signal na inisyu sa buong bansa. Gayunman, ang Northeasterly Surface Windflow ay makalilikha ng pabugsu-bugsong hangin sa dulo ng Northern Luzon hanggang sa susunod na lingo. Hiniling din ng Pagasa ang mga residente na patuloy na magmonitor sa mga kaganapan sa bagyo. Patuloy ding binabalaan ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa potensiyal na malalakas na alon…

Read More

BAGYONG ONYOK LALAKAS SA LOOB NG 24-ORAS

(NI ABBY MENDOZA) LALAKAS pa ang bagyong Onyok at magiging Severe tropical storm sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon 11:00 weather bulletin na ipinalabas ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa Virac, Catanduanes, taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 70kph, kumikilos ito sa 35kph na hindi umano ordinaryo dahil lubha itong mabilis para sa isang bagyo. Kung hindi magbabago ang kilos ng bagyong Onyok ay inaasahan na hindi pa rin magla-landfall hangggang sa tuluyang makalabas ng…

Read More

PAGASA NAGBABALA SA PEKENG FB PAGE

pagasa rains

(NI ABBY MENDOZA) BINALAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko laban sa pekeng Facebook page na”Dost_PAGASA Visayas,” na naglalabas ng pekeng Haze Bulletin. Ayon sa Pagasa, nagkakalat ng maling impormasyon ang nasabing FB page kaugnay sa usok na nangaling sa Indonesia forest fire na nakarating na sa Cebu at ang  nasabing bulletin ay nai-share pa sa iba’t ibang social media sites. “Pagasa has not issued any such bulletin, because haze-related advisories are handled by the Environmental Management Bureau (EMB) of the Department of Environment and Natural…

Read More

BAGYONG ‘NIMFA’ BINABANTAYAN; 1 PANG LPA, HABAGAT HUMAHATAW

ulan55

(NI JEDI PIA REYES) GANAP nang bagyo at patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’. Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito. Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro…

Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ ‘DI TATAMA SA LUPA

rain15

(NI ABBY MENDOZA) NASA loob na ng  Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn, hindi ito inaasahang tatama sa lupa subalit magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi mg Luzon at maging sa Visayas. Sa 11:00 weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo,  huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph. Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas…

Read More