NABAWASAN pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras. Ayon sa pahayag ng PAGASA Hydrology Division, bumaba sa 203.97 metro ang antas ng tubig sa nasabing dam na kanilang naitala pasado alas-6:00 ng umaga nitong Sabado. Mas mababa umano ito kumpara sa 204.03 metro noong araw ng Biyernes. Bukod dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams. Tanging nadagdagan ang tubig sa Binga Dam. Nananatili naman sa 101.10 metro ang antas ng tubig sa Ipo…
Read MoreTag: TUBIG
TUBIG SA SAKAHAN KAPOS PA RIN
MAARING matugunan ng Angat Dam ang demand sa mga household o mga bahay hanggang sa tag-init o summer ngunit mananatiling taghirap ang suplay sa mga sakahan, ayon na rin sa state agency na siyang nangangasiwa sa reservoir. Ito’y sa kabila nang mas gumagandang lebel ng tubig sa Angat. Pero nilinaw ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., na hindi nito masasakop ang pangangailangan sa irrigation ng mga magsasaka sa Central Luzon. “Sa tingin naman po natin kaya natin ito i-maintain hanggang summer po bago umabot ang panahon…
Read MoreMAAYOS NA DISTRIBUSYON NG TUBIG ANG KAILANGAN
MATAGAL na panahong hinawakan ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. Dahil pagpapabaya at korapsyon sa MWSS, umabot sa matinding krisis ang tubig noong panahon ni Fidel Ramos. Hindi tuluy-tuloy ang daloy ng tubig sa mga tubo ng MWSS patungo sa bawat bahay ng mga residente at kumpanya ng mga negosyante sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan noong panahon ni Ramos. Kaya, nagpasya si Ramos na isapribado ang distribusyon ng tubig. Nagsimula ang Manila…
Read MoreMGA PARAAN PARA MAKATIPID SA TUBIG
SUNOD sa hangin, ang tubig ay ang pinakamahalagang element at kailangan natin upang masustine natin ang buhay sa mundo. Nakararanas tayo ngayon ng krisis sa tubig sa Metro Manila. Naroon na rin ang pangamba na nasa peligro ang suplay ng tubig para sa darating na tag-init. Kapag ganitong may water crisis, nagiging malapit din tayo sa iba’t ibang uri ng sakit. Sa ganito ring sitwasyon, kailangan nating magtipid nang husto sa paggamit ng tubig. Ito ang ilang mga paraan para magawa ito: – Kung maglalaba, siguraduhing maramihan na ito at…
Read MoreWATER INTERRUPTION AABOT NG SUMMER
(NI DAHLIA S. ANIN) MAAARING abutin hanggang summer ang problema sa suplay ng tubig sa National Capital Region, ayon sa Pagasa. Ito ay sa kabila ng mga pag-ulan na posibleng makapuno ng dam hanggang matapos ang taon. Sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam mula sa 188.34 noong Miyerkoles na malayo pa sa 210 meters na target bago matapos ang taon. Kaya tinitipid ng mga water concessionaire ang tubig upang umabot hanggang summer ang suplay nito. Gayunman, nangangamba ang ahensya na bumaba…
Read MoreMAYNILAD AAYUDA SA MANILA WATER NGAYONG LINGGO
(Ni KIKO CUETO) POSIBLENG ngayong linggo maibigay ng Maynilad Water Services Inc., ang kanilang pangakong ayuda sa Manila Water Co.. Ito ay upang matustusan ng Manila Water Co. ang pagkukulang nila sa tubig. “‘Yun po ay pinag-uusapan na ngayon kung paano i-implement. Nagkasundo na po in terms of medyo magshe-share po ‘yung Maynilad sa amin ng I think initially 31 to about 50 million liters of water per day… May mga technical na kailangang gawin lang po,” sinabi ni Jeric Sevilla, head ng corporate communications. “Hopefully within the week sana…
Read MoreILANG BAHAGI NG PASIG CITY MAWAWALAN NG TUBIG NGAYON
Magkakaroon ng water service interruption sa araw na ito, Pebrero 9, sa mga bahagi ng Barangay Kapitolyo at Barangay Pineda, batay sa anunsiyong isinagawa kamakailan ng Manila Water. Mawawalan umano ng suplay ng tubig ang mga nasabing lugar sa Pasig City dahil sa mayroong isasagawang pipe maintenance ang Manila Water sa San Ignacio Street kanto ng East Capitol Street. Inabisuhan ng Manila Water ang mga residenteng apektado ng mag-ipon ng kakailangan nilang tubig. 149
Read MoreQC, TAGUIG MAWAWALAN NG TUBIG
(Ni FRANCIS ATALIA) NAG-ABISO ang Manila Water na pansamantalang mapuputol ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Taguig at Quezon City ngayong araw. Sa inilabas na abiso ng kompanya, 10:00 ng gabi magsisimula ang water service interruption na tatagal hanggang 5:00 ng umaga bukas. Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang mga Barangay East Kamias, West Kamias, Pinyahan at Quirino 2C sa Quezon City. Mawawalan din ng tubig ang Brgy. New Lower Bicutan at Brgy. Bagong Calzada sa Taguig City simula 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga…
Read More