(NI BETH JULIAN) MAY posible nang ipapalit sa puwestong babakantehin ni Dr. Roy Ferrer bilang officer in charge ng PhilHealth. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nabanggit ang pangalan ni Dr. Jaime Cruz sa pagpupulong, bagaman hindi ito nakatitiyak kung anong posisyon sa PhilHealth ang paglalagyan sa dito. Gayunman, sa isang pahayag kay Senator elect Bong Go, kinumpirma nito na si Dr. Jaime Cruz ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay na pinuno ng PhilHealth. Pero ayon kay Go, hindi pa naman tinatanggap…
Read MoreTag: philhealth
LIFE SA KAWATAN SA PHILHEALTH IGINIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) MGA kasong walang piyansa at may parusang habambuhay na pagkakabilanggo ang nais ng ilang kongresista na isampa laban sa mga opisyales ng Philhealth kaugnay panibagong anomalyang kinasasangkutan ng ahensya. Nais ni Senior Citizen party-list Rep. Franciso Datol na sampahan ng economic sabotage ang mga opisyales ng Philhealth at sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center habang si Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ay plunder case ang iminungkahing kaso. Pawang walang piyansa ang mga nabanggit na kaso at may parusang habambuhay na pagkakabilanggo kung saan nais din ng…
Read MorePHILHEALTH HAHAWAK SA UHC LAW: DELIKADO!
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa panibagong anomalya sa Philhealth nang bayaran nito ang “ghost dialysis” ng isang dialysis center sa Quezon City, lalong delikado umano ang kontribusyon ng mga miyembro nito dahil sa Universal Health Care (UHC) Law. Sa panayam kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, sinabi nito na hindi sila bumoto sa UHC law sa Kongreso dahil ang Philhealth ang magiging lead agency sa pagpapatupad ng nasabing batas. “With past and present corruption controversies, ano ang credibility ng Philhealth (na manguna sa pagpapatupad ng UHC law) ,” tanong ni Casilao…
Read MoreBALASAHAN SA PHILHEALTH: MIYEMBRO ‘DI APEKTADO — DUQUE
SA planong balasahan sa Philhealth tulad ng gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na hindi maapektuhan ang miyembro ng ahensiya sa mga gawain. Sa interview sa radyo, sinabi ni Duque na unti-unting isasagawa ang palabasahan at uunahin ang mga departamentong sangkot sa katiwalian. Sinabi ni Duque na maganda ang layuning sibakin sa trabaho ang mga mapatutunayang nagkasala at balasahin naman ang matitira. Sa ganitong sistema ay makatitiyak na hindi maapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro ng ahensiya. Noong Lunes ay mahigpit na…
Read MoreMAY-ARI NG DIALYSIS CENTER SA GHOST TREATMENT IPINAAARESTO NI DU30
SA isa na namang anomalyang naungkat sa ahensiya ng gobyerno, mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa may-ari ng WellMed Dialysis Center sa Quezon City kasabay ng pag-utos ng revamp sa Philhealth dahil sa mga ghost kidney treatment kung saan umaabot sa bilyong halaga ng claims. Nais din umanong balasahin ng Pangulo ang Philhealth sa posibleng sabwatan ng mga matataas na opisyal at kawani at sa naturang dialysis center. “Arestuhin sila at dalhin sa Malacanang,” matigas na utos ng Pangulo. Lubos umanong ipinagtataka ng Pangulo kung bakit…
Read MoreOPISYAL, KAWANI NG PHILHEALTH PINAKAKASUHAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINAKAKASUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at kawani ng PhilHealth na sangkot sa anomalya sa paggamit ng pondo ng nasabing ahensya. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nababahala ang Pangulo sa lumutang na alegasyon sa iregularidad, partikular na ang mga iniulat na maling singil o fraudelent claims sa PhilHealth. Tinyak ni Panelo na hindi makaliligtas sa tiyak sa pananagutan ang mga taong sangkot sa nasabing panloloko. Kasabay nito, ipinasusumite rin ng Pangulo si acting PhilHealth President Dr. Roy Ferrer ng detalyadong report ng nasabing iregularidad.…
Read More‘GHOST DIALYSIS’ INAMIN; OPISYAL, KAWANI KAKASUHAN NG PHILHEALTH
(NI MAC CABREROS) INAALAM ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung may empleyadong kasabwat sa ‘ghost dialysis’ ng ilang dialysis center. “Kung mayroong kasabwat… we will give necessary due process and penalty,” pahayag Dr. Shirley Domingo, tagapagsalita ng PhilHealth, sa panayam sa media. Kinumpirma ni Dr. Domingo na maraming kaso ng ghost patients, false claims, misrepresentation at upcasing, ang iniimbestigahan ng legal department ng PhilHealth. “Our record shows that currently we are investigating up to 8,900 cases,” dagdag Domingo. Aniya, kanilang sisilipin din ang pagkakasangkot ng mga nagpapatakbo ng dialysis…
Read MorePHILHEALTH SA ‘DIALYSIS ANOMALY’ BUBUSISIIN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) KAPAG nagkataon, magiging buena-mano sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress ang Philhealth dahil sa umano’y ‘ghost kidney patients’ na binabayaran ng nasabing ahensya sa isang private clinic. Inihahanda na ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang resolusyon para imbestigahan ang Philhealth matapos mabunyag ang panibagong anomalya na may kaugnayan sa dialysis treatment na sinisingil ng isang dialysis clinic kahit patay na ang pasyente. “Congress must investigate on the matter at the soonest possible time,” ani Zarate para mapigilan ito dahil kung hindi ay…
Read MoreCEBU MAYOR KULONG SA PAGTANGGAP NG HONORARIUM
(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon ang alkalde ng Cebu dahil sa pagtanggap umano ng honorarium. Sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan, natukoy na guilty sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Mayor Lionel Bacaltos ng bayan ng Sibonga. Si Bacaltos ay nanalo nitong nakaraang eleksyon ngunit siya ay pinagbawalan din na humawak sa anumang posisyon sa gobyerno at inatasan magbayad sa munisipalidad ng halagang P17,512.50. Maaari namang umapela ang alkalde sa naging desisyon ng anti-graft court.…
Read More