50% NG PINOY ‘DI KUNTENTO SA K-12

MARAMING Filipino ang hindi kuntento sa pagpapatupad ng programang K-12. Ito ang inihayag ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian base umano sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kaya’t kailangan ang reporma sa sistema ng edukasyon. Aniya, sa mahigit isang libong (1,200) respondents sa isinagawang survey, halos limampung (47) porsyento ng mga Filipino ang hindi kuntento sa K-12. Halos apatnapung (38) porsyento naman ang nagsasabing kuntento sila at labintatlong (13) porsyento naman ang hindi sigurado kung kuntento nga ba sila o hindi. Sa mga nagsabing hindi sila kuntento sa programa, giit pa…

Read More

SOLONS KINATIGAN ANG AKSYON NI DIGONG; PINOY WALANG PAKINABANG SA VFA

SA bihirang pagkakataon, pinuri ng militanteng mambabatas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala umanong naging pakinabang dito ang sambayanang Filipino. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kinatigan nito ang desisyon ni Duterte na ibasura ang VFA dahil tanging interes ng Amerika ang pinoproteksyunan nito at hindi ang mga Filipino gayung dito nagtatayo ng pasilidad at nagsasanay ang puwersa ng Amerika. “Wala naman talaga tayong pakinabang sa VFA na iyan kaya tama si Presidente Duterte,…

Read More

PINOY SA IRAQ PINAG-IINGAT

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon. Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa. Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa  (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665. Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o  Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq. Nauna rito,…

Read More

PALASYO TINIYAK NA MAS PAPABORAN ANG PINOY SA CHINESE WORKERS

duterte88

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na laging una ang mga Pinoy workers  bago pa man ang ibang nasyunalidad,  partikular ang Chinese nationals. Ito ay makaraang lumitaw sa survey na karamihan sa mga Filipino ay nangangamba sa pagdagsa ng mga Chinese worker sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipatutupad ang mahigpit na immigration at labor policies sa foreign workers. “The Filipino people are assured that this administration is strict in enforcing the law, especially those pertaining to our immigration and labor policies,” sabi ni Panelo. “The President, as…

Read More

PINOY BEHAVE MUNA TAYO NGAYON

PUNA

SA halip na magbangayan at magsiraan tayong mga Pinoy ay suportahan natin ang ating mga pambatong atleta para sa SEA Games na idinaraos ngayon sa bansa. Hindi makatutulong ang mga negatibong komento na inilalabas sa social media. Makade-demoralize ito sa ating mga atleta. Kung totoo man na palpak ang organizer ng okasyong ito ay sampahan ng kaukulang kaso nang mapanagutan niya ang kanyang ginawang pagkakamali. Gawin ito pagkatapos ng okasyon. Hindi na tayo magtataka na hanggang ngayon ay may ginagawa pa na ilang area na pagdarausan ng ilang laro ng SEA Games dahil namihasa ang mga Pinoy na laging…

Read More

KRIMEN BUMABA SA PAGGANDA NG BUHAY NG PINOY

pinoy

(NI NICK ECHEVARRIA) ITINUTURO ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt.Gen. Archie Gamboa ang pagbaba ng krimen sa pagganda ng kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino. Ito’y matapos ilabas ng Social Weather Station (SWS) ang kanilang latest survey kung saan 36 porsyento ng mga respondents ang umamin na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan. Isinagawa ang survey noong Setyembre 26-30 kung saan  46 na porsyento rin ng mga “adults” ang umaasa na gaganda ang  kanilang pamumuhay sa  susunod na 12 buwan, habang 5 porsyento naman…

Read More

92% PINOY MAY PROBLEMA SA NGIPIN; DENTAL HEALTH UNIT SA BRGY, IGINIIT

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala para sa pagtatatag ng dental unit sa bawat rural health units ng Department of Health (DOH). Layon nito na mabigyan ng maayos na dental care ang lahat ng mga Pinoy at hindi maging sagabal sa pag-aalaga sa mga ngipin ang kawalan ng budget. “Marami sa ating kababayan na ayaw magpatingin sa dentista dahil lang sa takot nila na kailangan magbayad ng napakamahal na halaga. Dahil dito, malaking bahagi ng ating populasyon ay may mga sirang ngipin na hindi napaaayos,” saad…

Read More

MARAMING PINOY, NABUBULAG

(NI NOEL ABUEL) IKINABAHALA ng isang senador ang dumaraming bilang ng mga Filipino na may kapansanan sa paningin, kabilang ang pagkabulag. Sinabi ni Senador Leila de Lima sa kapwa nito senador na tulungan ito para sa pagpasa ng isang panukala na maglalagay ng mga klinika sa eyecare clinics sa buong bansa upang matugunan ang dumaraming paglala ng kapansanan sa paningin, kabilang ang pagkabulag ng mga Pilipino. Sinabi nito na nakababahala na parami nang parami na ang bilang ng mga Filipino na nagkakaproblema sa mata na ipinagsasawalang bahala dahil sa kawalan ng sapat…

Read More

DEPLOYMENT BAN SA HK, FAKE NEWS — DOLE

hk77

(NI KIKO CUETO) TINAWAG na ‘fake news’ ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang balita na nagpapatupad na sila ng mandatory repatriation o deployment ban ng mga Pinoy sa Hong Kong, kasunod ng rin ng mga serye ng protesta roon. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi pa mismo nagtataas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng alert level doon, na siyang magiging hudyat ng mandatory repatriation ng mga Filipinos sa Hong Kong. “Right now there is no communication from the DFA and even from the consulate…

Read More