PINALAYA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang co-owner ng dialysis center sa Quezon City matapos ang anim na araw na pagkadetine sa naturang ahensiya. Una nang inaresto si Bryan Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center, dahil sa pagkakasangkot nito sa ‘ghost claims’ ng mga pasyente sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Linggo ng alas-10:30 ng umaga ay nakalabas na ng ahensiya si Sy, ayon sa abogadong si Rowell Ilagan. Noong Sabado ay nakapagpiyansa na ang kampo ni Sy ng P72,000 para sa pansamantala nitong paglaya. Gayunman, hindi pa…
Read MoreTag: piyansa
SY NAGPIYANSA SA KASONG ESTAFA
(NI HARVEY PEREZ) NAKAPAGPIYANSA na sa Manila Metropolitan Trial Court Branch 6 ang abogado ng may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Dr.Bryan Sy na isinangkot sa ‘ghost dialysis’ claim sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Ayon kay Atty. Rowell Ilagan, legal counsel ng WellMed legal, nagpiyansa si Sy ng P72,000 para sa kasong estafa dahil sa pamemeke ng mga opisyal na dokumento. Sa kabila naman ng inisyu na release order, sinabi ni Ilagan na nananatili si Sy sa kustodiya ng National Bureau of Investigation…
Read More‘BIKOY’ NAGPIYANSA
NAGPIYANSA sa pamamagitan ng kanyang abogado si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’ at nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito sa illegal drug trade. Biyernes ng hapon nang magpiyansa ang abogado ni ‘Bikoy’ sa anim na counts ng estafa sa Baguio City. Si ‘Bikoy’ ay kusang sumuko noong Huwebes at binawi ang lahat ng unang sinabi at bumaligtad sa pagsabing pakana ng kalaban ng administrasyon ang una niyang ibinunyag. Idinawit nito ang ilang personalidad, religious sectors, maging si Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes…
Read More