(NI BETH JULIAN) MAY sinusunod na protocol para matugunan ng mga kaukulang ahensya ang bawat reklamong tinatanggap ng anti-corruption hotline 8888. Ayon kay Presidential spokeperson Atty. Salvador Panelo, ang lahat ng mga reklamong tinatanggap ng hotline 8888 ay ipararating sa mga ahensyang may kaugnayan dito. Sinabi ni Panelo na hindi lamang pawang may kaugnayan sa katiwalian ang mga tinatanggap na tawag kungdi ay may iba ring usapin. “Marami ang tumawag kaya mahirap talaga makapasok ang tawag,” pahayag ni Panelo. Bunsod na palagiang busy ng linya, kailangan nang dagdagan ang linya…
Read More