DEFENSOR SA PHILHEALTH: KAILAN NAGKA-PNEUMONIA OUTBREAK?

(NI BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang mambababatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkaroon ng pneumonia outbreak sa bansa sa nakalipas na tatlong taon na ginastusan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng P52.5 Billion. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, aalamin kung nagkaroon talaga ng pneumonia outbreak o bahagi lang ito ng katiwalian sa Philhealth. “Mantakin mo nagkaroon ng pneumonia outbreak na hindi natin alam,” ani Defensor matapos maitala umano ng Philhealth na umaabot sa 3.5 million pasyente (sa nakaraang tatlong taon)  sa pneumonia ang kanilang…

Read More