PNP TIKOM SA UTOS NG SC SA ‘OPLAN TOKHANG’

OPLAN TOKHANG12

(Ni FRANCIS SORIANO) TIKOM pa rin ang bibig ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng resolusyon   ang Supreme Court (SC) hinggil sa datos ng ‘Oplan Tokhang’. Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi pa niya umano nababasa ang nasabing desisyon na inaatasan ang PNP at kung mayroon man ay hihintayin din nila umano ang magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang Commander in Chief at ipinauubaya ito sa Office of the Solicitor General. Dagdag pa nito na marami na aniya ang sinampahan ng kaso na kasalukuyan…

Read More

METRO NAKAALERTO SA ISIS

albayalde

(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T  wala pang nakikitang direktang senyales na maghahasik ng kaguluhan at karahasan sa Metro Manila, matamang na binabantayan ng awtoridad ang galaw ng ISIS. Bunsod ito ng pagkaaresto ng dalawang magkapatid na sinasabing tagasuporta ng nabanggit na teroristang grupo sa Baggao, Cagayan. Sa gitna nito, inihayag ni PNP chief Oscar Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko. Hawak ang search warrant, hinalughog ng awtoridad ang bahay nina Altero at Greg Cariaga kung saan nakita ang mga armas at bala gayundin ang bandera na katulad sa ISIS na…

Read More

PNP HANDANG HUMARAP SA CHR SA 14 NAPATAY NA ‘NPA’

PNP

(NI JG TUMBADO) HANDA ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon kaugnay sa pagkakasawi ng 14 na umanoy kasapi ng new People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na police operations sa pagsisilbi ng search warrant sa Negros Oriental. Ito ang naging tugon ng pamunuan ng PNP kasunod ng pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na kanilang umanoy iimbestigahan ang pangyayari kung ito nga ay lehitimo o sadyang pinatay ang mga ito. Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernanrd Banac, handa silang tumugon sa mga kumukwestyon sa pagiging lehitimo ng…

Read More

PULIS NA RUMARAKET NA AIDE NG POLITIKO MASISIBAK

PNP by JhayJalbuna

NANGANGANIB masibak sa tungkulin ang mga pulis na suma-sideline bilang aide ng mga politiko, ayon kay Philippine National Police Chief (PNP) Gen. Oscar Albayalde. Ito ay babala ni Albayalde, isang araw matapos ang simula ng campaign period ng lokal na antas kasabay ng paggiit na kailangang manatiling walang kinikilingan ang kanyang mga tauhan o hindi dapat makisawsaw sa politika. Sinabi ni Albayalde na batid na ang ganitong kautusan ng mga tauhan ng PNP ngunit kung magpupumilit ang mga ito sa pag-sideline ay posibleng ipataw ang pagsibak sa mga ito. Tiniyak…

Read More

BILANG NG ELECTION HOTSPOT NADAGDAGAN

hotspot12

(NI JG TUMBADO) HABANG papalapit ang national midterm elections sa May 13, lalo pang nadagdagan ang bilang ng itinuturing na election hotspot sa bansa. Ito ang binanggit ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular press conference sa Camp Crame, nitong Lunes. Sinabi ni Albayalde na nasa kabuaang 941 ang election hotspots sa buong bansa. Katumbas ito ng 57.60 percent sa 1,634 na lungsod at munisipalidad na tinututukan ngayon ng pulisya sa buong kapuluan. Ayon sa PNP Chief, nasa 131 na bayan ang nasa ilalim ng yellow category…

Read More

DEPLOYMENT NG PNP PERSONNEL SA MINDANAO BABAGUHIN

pnp1

(NI NICKE ECHEVARRIA) MAGSASAGAWAng adjustments ang pambansang pulisya sa kanilang deployment kaugnay sa pagdeklara ng Commission on Elections (Commission on Elections) sa buong Mindanao ng category red bilang election hotspot. Kasabay ang pagtiyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Col. Bernard Banac na gagampanan nilang mabuti  ang kanilang mandato sa pagbibigay seguridad at kaayusan sa May 13 election. Ang category red ay bunga ng naitalang mga election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, kaakibat ang seryosong banta mula sa mga armadong grupo tulad ng;  New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic…

Read More

COMELEC KONTRA SA ISINAPUBLIKONG NARCO LIST

comelec

(NI HARVEY PEREZ) HUWAG na sanang maulit ang paglalahad sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ikalawang listahan ng umano’y mga narco-politicians. Ito ang pakiusap ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa dahilan na “unfair,” at nakasisira lang umano ng pangalan at nakaapekto sa pamilya ang pagsasapubliko ng 46 na suspected narco-politicians. Sinabi pa ni Jimenez na magiging  “trial by publicity” ang ginawa ng gobyerno kung hindi man lang kakasuhan ang mga binanggit na narco-politician. Matatandaan na sinabi ng Comelec na mas mabuting kasuhan at magkaroon muna ng matibay na…

Read More

PDEA, PNP, MAGKA-SALUNGAT VS NARCO LIST

pnppdea12

(NI JG TUMBADO) WALA pang sapat at matibay na basehan o ebidensya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong isinasangkot at pinangalanan sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac kasunod ng paghahain ng reklamo ng administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 46 na mga pulitikong isinasangkot sa ilegal na droga bago pa man pangalanan ng pangulo. Salungat naman ang naging pahayag ng PDEA sa PNP na umanoy tumagal ng 14…

Read More

PAGBAWI SA POLICE POWERS NASA KAMAY NG OMBUDSMAN

ombudsman1

NASA kamay na ng Ombudsman ang pagbawi sa ibinigay na police powers sa 46 na umano’y narco-politicians na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasong administratibo ang kinakaharap ng mga lokal na opisyal sa pagkakasangkot umano sa illegal na droga. Gayunman, inamin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pa silang sapat na basehan para sampahan ng kasong kriminal ang mga ito. Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Bernard Banac, ngayong nakasampa na ang kaso, ang Ombudsman na ang magpapatawag sa 46 politicians na kabilang sa…

Read More