Inihayag kamakailan ng 18 multinational drug makers sa bansa sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na magkaisa upang mag-alok ng mabababang presyo sa kanilang mga gamot. Kung magkakatotoo ito, kasama sa mga mababawasan ng presyo ay ang mga gamot sa tinatawag na rare disorder, major non-communicable diseases at infectious diseases na karaniwang mga sakit na dumadapo sa tao. Ang grupo ay plano ring mag-alok ng ‘holistic and comprehensive’ na pagtulong, partikular sa mga may cancer, kabilang ang diskuwento para sa mga laboratory test. Ang apat na…
Read MoreTag: POINT OF VIEW
GOOD LUCK SA TRAPIK!
HINDI na talaga biro at nakakapraning na ang nararanasan nating trapik araw-araw sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar na labis nang nakaaapekto sa ating ekonomiya at sa pamumuhay ng mga mamayan. Halos araw-araw na lamang ay nai-stress ang commuters, at motorista dahil sa mahabang oras na ginugugol sa trapik sa kanilang pagpasok sa trabaho, schools at iba pang pupuntahang lugar at pag-uwi sa kanilang mga bahay. Ang usapan nga ngayon tungkol sa pupuntahang meeting, family gatherings, o anumang lakad sa Metro Manila, ang karaniwang maririnig mo sa…
Read MoreKAGANAPAN SA SENADO, MAY EPEKTO KAYA SA DRUG WAR?
Parang isang mainit na bakal na binuhusan ng napakalamig na tubig ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga. Kasunod ng sinabi ng dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police (PNP), na may kaugnayan sa mga nagaganap na katiwalian at pang-aabuso ng ilang tauhan at opisyal ng PNP sa pagpapatupad ng nasabing kampanya. Nakakagulat talaga ang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Chief Aaron Aqunio sa Senate hearing. Ito ang ilegal na mga gawain ng mga tiwali at abusadong pulis na kanilang tinaguriang…
Read MoreBAKIT PAPALITAN PA ANG PANGALAN NG PDEA NG PDEA RIN?
Naghain si Senate President Vicente Sotto III ng Senate Bill No. 3, isang panukalang batas na ang layunin ay bumuo ng panibagong ahensiyang tututok sa lahat ng aspeto ng paglaban sa ilegal na droga sa bansa. Sakaling maaprubahan at maging batas, bubuwagin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drug Board (DDB) at papalitan ng ahensiyang tatawaging Presidential Drug Enforcement Authority (PDEA). PDEA pa rin ang acronym. Sana kung magbabago, ibahin naman ang acronym upang maalis, makalimutan, at mabura na ang mga negatibong imahe ng una o kung baga…
Read MorePANUKALANG BUWANANG P10-K SA MGA NANAY, PAGTUTURO NG KATAMARAN?
Nakatawag pansin sa akin ang panukalang batas na inihain sa Kamara ni Star for All Season at kasalukuyang Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayon na pagkalooban ang mga nanay ng tig-P10,000 buwanang financial allowance. Sakaling maging batas na ito, maraming mamamayang Filipino ang matutuwa lalo na ang mga kababaihan dahil maging nanay ka lang, tatanggap ka na ng P10, 000 monthly allowance mula sa gobyerno. Parang ang saya-saya ng buhay. Ito ay nasa ilalim ng House Bill (HB) 4070 o “Providing for Compensation for Stay-at-Home Housewives and Homemakers” na iniakda ni…
Read MoreMAGTULUNGAN TAYO KONTRA EPIDEMYANG ASF VIRUS
Dumating na sa Pilipinas ang matagal nang kinakatakutan sakit na mula sa ibang bansa — ang epidemyang African swine fever (ASF) virus na umaatake sa mga alagang baboy na nakasisira sa ating hog industry sa kasalukuyan. Sa pangyayaring ito, ang Pilipinas na ngayon ang itinuturing na pinakabagong bansa na makakabilang sa mga bansang dinapuan ng ASF virus na umaatake sa piggeries. Ito ay matapos na kumpirmahin ng laboratory results mula sa United Kingdom na ang sanhi ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Bulacan at Rizal ay positibo sa ASF…
Read MorePLASTIC POLLUTION LABIS NANG NAKAAAPEKTO SA KAPALIGIRAN
Nakababahala ang plastic pollution na nakaaapekto sa ating kapaligiran. Hindi lamang problema sa Pilipinas ito kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ipinalabas na ulat ng United Nations, ang plastic pollution ay isang malaking dilemma na kakaharapin ng mundo kung hindi magtutulungan ang bawat bansa sa buong mundo upang masawata ito. Sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa world’s top three offenders ng plastic pollution sa mundo. Sinasabing halos 60 billion sachets bawat taon ang nagagamit sa bansa na labis na nakakaapekto sa ating kapaligiran. Sa isang pag-aaral ng…
Read MoreMAGSASAKA UMIIYAK SA EPEKTO NG RICE TARIFFICATION LAW
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang ipatupad ng gobyerno ang Rice Tariffication Law, nag-iiiyak na ang ating mga magsasaka sa negatibong epekto nito sa kanilang hanay. Ito ang pagbasak ng presyo ng palay sa bansa. Sumisigaw na sila na luging-lugi, hindi na sila nakakabawi at tila minamasaker na sila dulot sa pagbagsak ng presyo ng palay, at hindi naman sila tinutulungan ng gobyerno. Ito na ang sinasabi ko sa ilang isyu ng ating kolum na magiging kawawa talaga ang mga lokal na magsasaka sa nasabing batas, dahil ang talagang…
Read MoreR.A. 10592 REBYUHIN MUNA ANG IMPLEMENTING GUIDELINES BAGO IPATUPAD!
Inulan ng batikos ang lumabas na balita nitong Miyerkoles kaugnay sa planong pagpapalaya sa convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. Nagbunga ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at nagpanumbalik sa naramdamang sama ng loob, hinanakit at hirap na naranasan ng mga pamilya ng mga biktima mula sa karumal-dumal na krimen na ginawa ni Sanchez. Ito ang paggahasa at pagpatay kina University of the Philippines Los Baños (UPLB) students Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993. Para itong isang…
Read More