(NI JESSE KABEL) IDINEKLARA nitong Sabado ng Office of Civil Defense (OCD) na clear na ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos na wala na talagang palatandaan na may na-trap pa sa ilalim ng mga guho ng nasabing pamilihan. Ayon sa Pampanga PNP, ginawa ng Office of Civil Defense ang deklarasyon sa gitna ng mga ulat na may lima katao pa ang nawawala. Ayon sa kapulisan sa nasabing lalawigan, sa ibang lugar na lamang nila hahanapin ang mga iniulat na missing. “Na-declare na po ng mga OCD na cleared…
Read MoreTag: porac pampanga
KASO VS MAY-ARI NG CHUZON SUPERMARKET INIHAHANDA
(NI NICK ECHEVARRIA) GUMUGULONG na ang inihahandang kaso laban sa may-ari ng bumagsak na apat na palapag na Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na kasalukuyan nang tinitipon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga gagamiting ebidensya at nangangalap ng mga statement mula sa mga nagrereklamo sa gumuhong supermarket. Ayon pa kay Albayalde, bukod sa negosyanteng si Samuel Chu, ang may-ari ng nabanggit na gusali, posibleng sampahan din ng kaso ang mga contractor at mga lokal na opisyal ng…
Read MoreCALAMITY FUND ILALABAS; GASTUSIN SASAGUTIN NG PCSO
TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) ang agarang pagpapalabas ng calamity fund para sa lalawigan ng Pampanga na napuruhan sa 6.1 magnitude quake na tumama sa Luzon noong Abril 22. Nitong Huwebes ay personal na naglibot sa Porac,Pampanga si PCSO Director Sandra Cam upang makita ang pinsala ng lindol gayundin para malaman ang mga pangangailang-medikal ng mga biktima. “Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay narito ang PCSO para umalalay sa mga biktima ng earthquake, ibibigay na natin agad ang tulong para magamit na kung kailan nila kailangang kailangan…
Read MoreMGA RESIDENTE SA PORAC SA KALSADA NATULOG
(NI DAVE MEDINA) PATULOY na namamahay sa pagkatao ng mga residente ng Porac, Pampanga ang takot sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol, Lunes ng hapon, kaya mas pinili pa umano nilang matulog sa kalsada kaysa sa kanilang mga bahay. Mas nakakaramdam umano silang ligtas sa pananatili sa mga daan kaysa magbalik sa mga bahay na mayroong posibilidad na gumuho o magiba laluna kung ikokonsiderang may bahagi ng mall na nagiba gayong apat na taon pa lamang natatapos ito. Ikinukonsiderang pinakamasamang tinamaan ng lindol ang bayan ng Porac sa pagtaya ni National…
Read More