MEGA TRAFFIC NARANASAN SA MAYNILA, PPA NAG-SORRY

trucks55

(NI DAHLIA S. ANIN) MABIGAT na daloy ng trapiko ang sumalubong sa mga pangunahing kalsada sa Maynila partikular sa Pier at Roxas Boulevard. Ayon sa pahayag ng Philippine Ports Authority (PPA) General Manager na si Jay Santiago, naging masikip ang mga pier dahil sa stop and go na operasyon nito dahil sa sama ng panahon na dala ng Habagat at Bagyong Hanna. “Hindi naman po walang operations. Ang nangyayari dyan, ang pier natin 24-oras ang operations niyan. Ang nagiging problema lang po natin, dahil makikita naman natin na masama ang…

Read More

OPERASYON TULUY-TULOY SA NASUNOG NA BOC

customs4

(NINA KIKO CUETO, DAHLIA SACAPANO/PHOTO BY JACOB REYES) TINIYAK ng pamunuan ng Bureau of Customs na maghihigpit sila at titiyaking secured ang loob ng nasunog na ahensiya, Sabado ng umaga. Sa pahayag, sinabi ng BOC-Port of Manila na hindi sila magpapapasok ng kahit sinong BOC personnel, officers at opisyal sa nasunog na bahagi ng gusali. Selyado na ang lahat ng pinto, entrance o exit para sa seguridad, ayon sa fire at investigation officers. Biyernes ng alas-9:00 ng gabi ay nasunog ang ikatlong bahagi ng BOC at bandang alas-4 na ng…

Read More

RORO PASISIGLAHIN; 7 BAGONG RUTA BUBUKSAN 

roro18

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  ikaapat na lang sa pinakamataas na lider ng bansa ngayon, desidido si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na pasiglahin pa ang Roll-On Roll-Off (RORO) system sa bansa. Sa oversigth committee ng House committee on transportation sa Cebu City kahapon, nakakuha ng kasiguraduhan si Arroyo sa Maritime Industry Authority na magbubukas ng pitong bagong ruta ng RORO sa bansa. Hindi sinabi ng tanggapan ni Arroyo kung saan-saang lugar ang bubuksang RORO route subalit marami na umanong pribadong kumpanya ang naghain na ng aplikasyon…

Read More

PAMILYA NA APEKTADO NG MANILA BAY REHAB MAY LILIPATAN – PPA

PPA General Manager Jay Daniel Santiago

(Ni ABBY MENDOZA) TINIYAK ng Philippine Ports Authority (PPA) na may malilipatan ang may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo Maynila kasunod ng isinasagawang Manila Bay Clean Up. Ang pagtiyak ay ginawa ng PPA matapos humarap House-Oversight Committee Hearing na ipinatawag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa magiging aksyon sa mga residente na apektado ng rehabilitasyon. Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ibibigay ng PPA ang 5 hektaryang lupa sa Tondo, Maynila para mapaglipatan ng mga informal settlers. Naglaan rin umano ang ahensya…

Read More