HALOS dalawang dekada na rin ang nakalilipas sa paghahabol ni boxing legend Luisito Espinosa sa kanyang promoter upang makamit ang inaasam-asam na premyong kanyang pinagwagian sa labang buwis-buhay. Sa wakas ay mapapakinabang na rin ng legendary boxer ang perang kanyang pinagpawisan makaraang atasan ng Korte Suprema ang pamilya ng boxing promoter na si Rodolfo Nazario na bayaran ng mahigit US$130,000 si Espinosa. Bukod sa halagang pinababayaran na bahagi ng prize money ni Espinosa, pinagbabayad din ng Kataas-taasang Hukuman ang mga tagapagmana ni Nazario ng anim na porsiyentong tubo bawat taon…
Read MoreTag: Pro Hac Vice /
MGA FILIPINO BA KAYO?
HANGGANG kailan kaya magiging makatao ang mga negosyante sa ating bansa, ka-saksi?? Talaga bang walang mga puso ang mga lintang negosyanteng ito na kahit nasa hindi magandang kalagayan ang ating mga kababayan tulang nang mga nagsilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal ay wala pa ring iniisip kundi ang kumita? Sana, mabago naman ang pananaw ng mga negosyanteng ito dahil buhay, kaligtasan at kalusugan ng ating mga bababayan ang nakataya sa pangyayari. Sobra ang pagiging suwapang ng mga mangangalakal na ito kasi yung P30 hanggang P35 na face mask ay…
Read More2020 – DOJ CASES REPORT!
Dahil po siguro sa pangungulit ng inyong kabalat mga ka-Saksi, mahigit sa apat na libong mga kaso po mula sa mahigit labing apat na libong mga kaso na naka-apila sa Department of Justice ang naresolba na ng ahensiyang ito ng pamahalaan. Ito po ang nakuhang impormasyon ng inyong kabalat mula kay DOJ Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto na nagsabi na ang mga naturang kaso ay ang pinagsamang petition for review at motion for reconsideration na inihain sa Kagawaran ng Katarungan mula Luzon, Visayas at Mindanao. Bagaman mayroong nagawa o…
Read MorePAO SASANDAL NA LANG KAY PANGULONG DUTERTE
DAHIL sa pagtapyas ng Senado sa kanilang pondo ay sasandig na lamang ang Public Attorneys Office (PAO) sa kapangyarihan ng Pagulong Rodrigo Roa-Duterte na i-veto ang 2020 budget para ‘di na makaltasan ang proposed budget ng PAO sa 2020. Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, naghain na sila ng 7 pahinang liham kay Pangulong Duterte na i-veto ang special provision sa General Appropriations Bill na naglilimita sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng PAO at operating expenses ng Forensic Laboratory nito. Binigyan-diin sa liham ni Acosta ang kahalagahan ng kanilang Forensic Laboratory para matulungan ang milyun-milyong mahihirap nating kababayan na mapagkakaitan umano ng tulong sakaling maisakatuparan ang…
Read MoreSUPREME COURT NAGBUKAS NG SUMBUNGAN PARA SA SAMBAYANANG FILIPINO
‘YAN mismo ang nais na ipaabot ng Chief Justice (CJ) Diosdado Peralta ng Korte Suprema (KS) sa sambayanang Filipino. Nais ni CJ Peralta na mismong ang publiko ang magpaabot sa kanya ng mga pag-abusong nalalaman nila laban sa mga miyembro ng Judiciary. Nakabibilib naman ang naturang programa ng punong mahistrado. Ang nakatutuwa pa nito, tiniyak ni Chief Justice Peralta na kapag mayroong pormal na reklamo na isinampa sa Judiciary Public Assistance Section o (JPAS) ay kailangang ito’y matugunan sa loob ng 15 araw. Ang JPAS ay mayroong tatlong unit. Ang…
Read MoreWOW GALING!
Mapapa-wow ka talaga sa naging presentasyon ng opening-ceremony o pagbubukas ng South East Asian Games (SEAG) na ipinamalas ng bansa bilang siyang host sa naturang event. Wala kang maririnig mula sa bibig mula sa karamihan ng ating mga kababayan kundi kasiyahan at paghanga sa nakita nilang presentasyon sa pagbubukas ng SEAG. Ang hindi nga lang maganda ay ang komento mula sa mga umano’y nagmamalasakit kuno sa pondo ng bayan na ginamit sa SEAG. Isa pa sa mga ‘di kagandahang nagkomento ay ang Pambansang Kamao ng Davao na si Mayor Sara…
Read MoreGUSTONG MAGPAPANSIN?
Talaga bang likas na sa mga laos na politiko ang umepal para lamang mapansin? Itong mga politikong ito, sa halip na mag-isip para mas lalong magi¬ging maganda at maging kapaki–pakinabang ang kalalabasan ng nakatakdang Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa heto’t nagsisiepal para lamang mapansin. Malayo pa po ang susunod na election! Kung talagang may nakita kayong mga overpricing sa preparasyon at pagpapaganda ng presentasyon ng bansa natin para sa nalalapit na SEA Games at nais ninyong malaman, dapat gawin ninyo ‘yan pagkatapos ng okasyon. Hindi ngayon na nagsasaayos pa lamang ng mga pagdadausan ng mga palaro…
Read MoreCOURT MARSHALS DAPAT NOON PA
Sa totoo lang, noon pa sa panahon ng yumaong si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, nagpahiwatig na ito na sana makita naman ng mga mambabatas ang kalagayan ng mga hukom at mahistrado na nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay dahil lamang sa pagganap ng mga nakaatang na tungkulin. Kaya lamang, dahil sa hindi feel ng nakaraang administrasyon si CJ Corona at ginawa ang lahat para siya ay mapatalsik sa puwesto ay wala ring isa man sa mga mambabatas noon ang nagpanukala gaya ng ginawa ni House Deputy Speaker Johnny…
Read MoreSALITANG ZERO BACKLOG OF CASES WALA SA BOKABULARYO NG DOJ?
Hanggang ngayon ay wala pa ring naipalalabas na datos ang Department of Justice (DOJ) kung ilang petition for review (petrev) at motion for review na nakasampa sa DOJ ang kanilang naresolba. ‘Pag minsan, naisip ko tuloy kung mayroon bang ginagawa ang undersecretaries ni Secretary Menardo Guevarra dahil sa kanila nakaatang ang mga petrev na isinampa ng mga litigant. Isinawalat ko na po ang problemang ito kung saan inamin mismo ni DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay sa isang press briefing na natatambakan sila ng mga petition for review at motion for…
Read More