Nais kong ibahagi rito ang medyo nakalulungkot na kuwento ng isa sa mga kaibigang tinagpo ko sa ibayong dagat nitong ilang nakaraang linggo. Tatlumpong taon na siya sa Canada. Aktibo siya sa mga isyung panlipunan doon bilang isang social worker. Hanggang ngayon, kahit citizen na siya roon ay interesado at nakikilahok pa rin siya sa mga usaping kinakaharap ng ating bansa. Kahit man lang sa pagbabahagi ng kanyang mga opinyon sa social media. Hanggang sa mapag-usapan ang proseso ng kanyang pagbabago ng citizenship. Plinano naman sana niyang kumuha ng dual…
Read MoreTag: Psychtalk
ANG HAMON NG SARILING WIKA
Ang buwan ang Agosto, buwan naman ng wika. Isang buwang pag-alala na may pambansang wika pala tayo. Pagkatapos nito ay balik normal na naman ang buhay-buhay. Luluhod sa lakas at kapangyarihan ng wikang banyaga. Pilit na iwawaksi ang kinamulatang salita. Kahit namimilipit ang dila, pagsusumikapang makabuo ng pangungusap sa wikang dayuhan na sana ay walang mintis ang grammar at syntax. Bahagi ng pagde-define ng ating identity ang wika. At kung gaano ang ating pakiramdam at pananaw sa ating sariling wika, ay malamang ganun din tayo sa ating pagka-Filipino. Sino nga…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA?
(Huling bahagi) Baka nalulunod na kayo sa usapang ulan na ito. Kaya’t sisikapin kong tuldukan na ito ngayon. Biyaya man o sumpa ang ulan, nakasalalay sa anggulo ng tumatanaw, o perspektibo, pati na rin sa panahon at pagkakataon. Biyaya ito sa mga magsasakang nakadepende ang pagtatanim sa tamang ulan, sumpa kung labis-labis dahil malulunod ang mga pananim. Mas masaklap kung darating sa halos panahon na nang anihan. Pag sobra ang init sa tag-araw, tila oasis itong maituturing, mainam na pampasigla sa mga nalalantang buhay. Maganda rin itong dahilan ng pamamahinga…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA?
(Ikaapat na bahagi) Marami pa rin namang magagandang bagay na maiuugnay sa ulan. Hindi naging bahagi ito ng ating kalikasan kung wala itong mabuting saysay o kahulugan. Kailangan ito sa patuloy na pag-ikot at paglikha ng buhay. At gaya ng maraming aspeto ng ating kalikasan, may kakayahan itong bumuhay, may kakayahan din itong pumatay. Bagamat, depende ito sa kung paano rin ng galaw nating mga tao sa mundo. Madalas kong marinig dati sa ilang mga romantikong kaibigan, gaya ng mga luhang maaaring simbolo ng mga natunaw na agiw at kalituhan…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA?
(Ikatlong bahagi) Sa paglipas ng panahon, nag-iiba ang mga pakahulugan natin sa mga bagay-bagay. Dahil na rin sa katotohanang nagbabago ang kalikasan o katangian ng mga ito bunsod ng pag-ikot ng oras, pagbabago ng ilang obhetibo at mga suhetibong salik gaya ng mga pananaw, pagpapahalaga, at pakiramdam ng mga taong hinuhubog din ng sariling mga karanasan at paligid. Gaya rin ng pagbabago ng diskurso ko sa ulan – mula sa isang simple at masayang alaala ng kamusmusan tungo sa mga mapanghamong mga realidad at karanasang konektado sa maulang mga panahon.…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA?
(Ikalawang bahagi) Marami pa akong positibong ala-ala sa tag-ulan bilang bata. Gaya ng gaano ko nakitang nadadalian sa paglalaba ang mga kababaihan dahil sa pagkabuhay ng mga batis. Pati ang pag-isis ng mga inuling na kaldero at kaserola ay napapadali pag kukuskusin lang siya ng tinipak na piraso ng isang klase ng medyo malambot pero magaspang na bato sabay ng mabilis na anlaw sa tubig-batis na rin. Ngunit ‘di naglaon, nang medyo naging abnormal na ang dating ng mga ulan at bagyo, tila nagkaroon ng bagong mukha ang ulan para…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA…?
(UNANG BAHAGI) Kung tatanungin natin ang mga kabataan ng mga mas naunang henerasyon tungkol sa pakiramdam nila sa ulan, marahil hindi mahirap makakuha ng mga masasayang kuwento ng kanilang karanasan sa tag-ulan. Lumaki ako sa probinsya kung saan naranasan ko ang mas maraming magandang pangyayari kaugnay ng pag-ulan: pagligo ng mga bata habang umuulan, pagtampisaw sa mga batis kung saan umaagos ang tubig-ulan, paglabas ng mga pagkain (prutas, gulay, o hayop) na pantag-ulan, at marami pa. Masarap ‘yung mga gulay na ligaw na lumalabas lamang pag umuulan, pati na ang…
Read MorePAGBUBUKAS-ISIP ANG KAILANGAN…
Bilang pagpapalawig sa mas nauna ko nang artikulo tungkol sa makataong pagtrato sa mga nahuhumaling sa droga, nais kong ibahagi ang personal kong karanasan nitong huling mga linggo. Dahil sa kagustuhan namin ng aking kaibigan na mas maraming malibot sa maikling panahong pinamalagi namin sa ibayong dagat, naranasan din naming umuwi ng pasado alas-dose na ng madaling araw, gumamit ng public transport (tren) at maglakad nang mahaba sa kalye. ‘Di namin madalas gawin dito ‘yun: ang maglakad sa kalye ng dis-oras ng gabi. Pero nagawa namin doon, na kaming dalawang…
Read MoreANG NUTRISYON SA MGA PAARALAN
Hindi ako mahilig mamalengke pero sinubukan kong ako naman ang mamalengke noong isang araw para malaman kung ano na ang mga presyo ngayon ng mga bilihin. Palibhasa laki sa probinsya at sanay na nakukuha lang sa bukid o sa likod-bahay ang karamihan ng mga gulay at prutas, medyo nagulat ako na malaki-laking halaga rin ang nakuha sa budget ang mga kagulayan at iba pang plant-based na mga produkto. “Grabe naman ang mahal!” ‘Yan ang usal ko. “Nahi¬hingi lang ang karamihan ng mga ito!” Pero naisip ko ‘yan dati pa, noong…
Read More