Una akong nakabalik ulit sa puso ng Maynila kahapon: Binondo at Divisoria area – para katagpuin ang ilang kaibigan sa isang mall sa area. May halong antisipasyon sa kung ano ang magandang makikita ko dulot ng bagong puno ng lungsod. Nakakaengganyo kasi ang hype ngayon sa social media at balita. ‘Di naman ako gaanong naaliw sa nakita bagamat may naobserbahang positibong pagbabago. Medyo mas lumuwag nga ang trapiko kaysa dati. Maalwan nang kaunti ang pakiramdam para sa mga motorista. Kung mayroon kasing pagbabago sa pisikal na kapaligiran, lohikal na kasunod…
Read MoreTag: Psychtalk
MAKATAONG PAGTRATO PARA SA MGA GUMON SA DROGA
Sa maikling pagdalaw ko sa Canada, mismong naobserbahan ko ang mga bagong polisiya nila roon gaya ng legalisasyon ng marijuana at ibang regulated drugs. Kaya’t medyo kontrobersyal sa akin na makakita ng cannabis store sa ilang kanto noong kami’y nag-iikot. Sa biglang tingin, maaaring maalibadbaran ang ilan sa atin tungkol sa bagay na ito. Lalo na at mas sanay tayo sa pananaw na dala-dala ng kriminalisasyon o approach sa issue na ito. Nang makausap ko ang isang Pinay na matagal nang naninirahan doon at nagtatrabaho sa isang non-government organization (NGO),…
Read MoreINTERSEKSIYON
Sa pansamantalang paglalakbay ang pag-alis ko na ito sa Pilipinas, may isang salitang naipaalala ulit sa akin ng aking mga bagong karanasan at mga nakilalang tao: ang interseksiyon. Maraming pakahulugan ito. Pwede nating sabihing isang sangang-daan. Salubungan. Overlap. Sa mga naunang babaeng aktibista, o mga feminist, nakuha natin ang teyorya ng intersectionality, na sa payak na pananalita ay tumutukoy sa pagsasalubong o banggaan ng mga kategorya gaya ng gender, lahi, uri na nagdudulot ng patung-patong na opresyon lalo na kung galing ka sa mga panlipunang kategorya na madalas ang naapi,…
Read MoreSAMU’T SARI MULA SA MALAYO
Nahirapan akong makabuo ng artikulo ngayon, marahil pagod ang katawan at isip dahil sa napakasiksik na pagkakasunod ng mga aktibidades dito sa ibayong-dagat. Ngunit hayaan ninyo lang akong ilahad ang mga natural na dumadaloy sa utak ko ngayon—walang pagtatangka na iorganisa o bigyan ito ng istruktura. Ika nga sa isang teorya sa aking disiplina, hayaang tumakbo lang ang aking “stream of consciousness.” oOo Sabi ng marami ng nagdaang pamahalaan sa bansa, bagong bayani ang overseas Filipino workers (OFWs). Sila ang nagsalba at nagsasalba pa rin sa ekonomiya. Siya nga. Sa…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(Ikapitong Bahagi) Ang information and communications technology o ICT ay dagdag na salik na nagpatingkad ng hati o divide sa lipunan at sa larangan ng edukasyon. Upang maabot ng mga kasalukuyang henerasyon ng guro ang mga Generation Z, at para na rin mapagdugtong ang umiiral na gap sa classroom, sinabi sa nakaraang artikulo na dapat may pag-angkop na maganap lalo na sa bahagi ng mga guro. Ang pag-angkop na tinutukoy ko ay sa larangan ng pagtuturo na nakaangkla sa pagiging creative lalo na sa paggamit ng information and communication technologies…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(Ikaanim na bahagi) “Ang boring namang magturo ni ma’am/sir!” ayon sa mga mag-aaral. “Ang tamad ng mga mag-aaral ngayon, ni ayaw nang makinig, magsulat o magbasa nang mahaba,” sagot naman ng mga kaguruan. Ipinapakita sa itaas na palitan ng komento ang isang sitwasyon o katangian ng interaksyon sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral. Tinutukoy ko rito ang “generation gap.” Ang mga mag-aaral ngayon ay mga nabibilang sa Generation Z o mga Digital Natives, mga batang pinanganak at pinalaki sa computer age. At ang mga guro nila ay nabibilang…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(IKALIMANG BAHAGI) Mahirap gumana ang utak kung kumakalam ang sikmura. ‘Di na natin kailangan ng maraming ebidensiya galing sa mga pananaliksik para paniwalaan ang pangungusap na ito. Kumbaga, ito ay self-evident. Ayon sa mga datos, pitong batang Filipino ang nagdurusa sa malnutrisyon, 95 bata kada araw naman ang namamatay dahil dito, at mahigit 30% ang nababansot o ‘di nakakalaki ng tama. Ang isa sa pinakamalalang epekto ng malnutrisyon o kagutuman ay ang paghina ng paggana ng utak. Dahil kulang sa sustansiya ang brain cells, apektado ang paggalaw nila, hihina din…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(Ikaapat na bahagi) Bakit may bully sa mga paaralan? Walang bully sa mga paaralan, kung walang pumapayag na sila ay i-bully. Madaling sabihin, kung hindi ikaw mismo ang nakaranas ng sitwasyon. Bagama’t sa ilang pagkakataon, tama naman ang punto ng pangungusap sa itaas. Pero, bago natin intindihin kung bakit may pumapayag (kung mayroon nga talaga) na i-bully, subukan nating unawain, bakit may bully? O bakit ilan sa ating mga mag-aaral ay nauuwi minsan sa pambibiktima ng mga kaklase o kaibigan nila. Batay sa aking naobserbahan, at sa mga pag-aaral na…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(IKATLONG BAHAGI) Nabanggit ko nang pahapyaw sa huling artikulo ang pagdanas ko ng bullying noong ako’y nasa elementarya. Malamang kung wala itong malalim na epekto sa aking pagkatao ay hindi ko na gaanong naalala o ‘di ko na binabanggit pa. Pero ang sarili kong karanasan mismo ang magpapatunay na bagamat ‘di siya pinapansin noong mga unang dekada (kaya’t matututo kang umigpaw mag-isa lalo na kung hindi naman seryosong isyu ito para sa mga mata ng matatanda). Sadya ko namang hindi ipinaalam sa mga magulang ko noon dahil ayoko na silang…
Read More