FOI EO NO. 2  PAHIRAP SA MEDIA

PUNA

HINDI maikakaila na pabor sa taumbayan ang Freedom of Information Executive Order (FOI – EO No. 2) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 23, 2016, ito ay kung susundin ng mga tauhan ng tanggapan ng pamahalaan ang kautusan. Hanggang ngayon, maraming mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang hindi umaayon sa ipinalabas na kautusan ng pangulo at marami sa kanila ang hindi batid ang kautusang ito. Ipinalabas ni Duterte ang kautusan upang magkaroon ng transparency ang mga tanggapan bukod pa sa malaking tulong kung may alam ang…

Read More

ALWAYS POSITIVE ANG MGA PINOY

PUNA

MAY krisis ngayon sa Iran bunga nang pagkamatay ng kanilang opisyal ng militar dahil sa pambobomba ng Amerika kaya’t kailangan nating maging matatag dahil posibleng madamay tayo rito. Namatay sa ginawang airstrike ng Amerika noong Enero 3 si Iranian top commander Qassem Soleimani, itinuturing na ika-2 pinakamataas na lider sa Iran, kaya naman nagbanta ang Iran na ga­ganti sila sa Amerika at posible ang kanilang atakehin ay ang Iraq na kilalang kaalyado ng Amerika. Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kung lalala ang sigalot sa pagitan ng…

Read More

MGA DAHILAN NG PAGMAMALTRATO SA OFWs SA KUWAIT

PUNA

ISINIWALAT ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang mga dahilan kung bakit minamaltrato at napapatay ang mga Pinay Domestic Helper (DH) ng kanilang mga employer sa Kuwait. Ang mga ito ay ang selos ng asawang babae ng employer sa Pinay DH; mababa ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga employer; pakikipagrelasyon sa among lalaki  at ang hindi pagpayag sa kagustuhan ng among lalaki sa sexual na usapin. Ayon pa sa pagsisiwalat ng dating OFW, marami sa mga Pinay DH ay nakikipag-relasyon sa kanilang mga among lalaki. Kaya naman ‘pag…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG PANIMULA

PUNA

Back to normal na ang mga Pinoy mula sa mahaba-habang bakasyon nitong nakalipas na Holiday Seasons. Mula sa mga pribadong kumpanya at sa tanggapan ng gobyerno ay nagsara sila ng kani-kanilang mga libro (budget) nitong Disyembre. Sa taong ito (2020) sa ‘Year of the Rabbit’ ay maraming umaasang mga Pinoy na magkakaroon sila ng magandang buhay. At siyempre umaasa rin sila sa tulong ng gobyerno sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa limang nakaraang administrasyon katangi-tanging ang kasalukuyang pamunuan ni Pangulong Duterte ang nag-iisang pang gobyernohan lamang ang nananatiling mataas…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA

PUNA

ALWAYS positive ang mga Pinoy sa tuwing papasok ang bagong taon. ‘Yan ang magandang kaugalian ng mga lahi ni Juan hindi katulad ng ibang lahi sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Kahit na isang kahig, isang tuka tayo noong nakaraang taon ay naniniwala pa rin tayong mga Pinoy na itong papasok na 2020 ay umaasa tayong makakaahon tayo sa kahirapan. Hindi pa rin natin maitatanggi na nahawaan tayong mga Pinoy ng mga kaugalian ng mga Chinese. Nagpapatunay lamang na ang paniniwala natin pagsapit ng Pasko na kinakailangang may mga…

Read More

10 MOST COMMON NEW YEAR’S RESOLUTIONS

PUNA

PARA sa ‘Spirit of Christmas’ ay tatalakayin po muna natin ang gusto na­ting mabago para sa ating mga sarili pagpasok ng Bagong Taong 2020. Batay po sa pag-aaral ng mga eksperto, mayroon pong ‘10 most common New Year’s Resolutions’ na gustong gawin ng bawat tao. Ang mga ito ay kinabibilangan ng 1) Exercise more, 2) Lose weight, 3) Get organized, 4) Learn a new skill or hobby, 5) Live life to the fullest, 6) Save more money/spend less money, 7) Quit smoking, 8) Spend more time with family and friends,…

Read More

GRAB PHILS. PINAGMULTA NG P16-M

PUNA

IPINAG-UTOS ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab Philippines na magmulta ito ng P16.15 million dahil sa sobrang singil sa mga tumatangkilik sa kanila. Ang P14.15 sa P16.15 million ay kailangang i-refund sa kanilang mga pasahero na siningil nila nang sobra. December 13, naglabas ang antitrust body base sa kanilang audit report ng independent monitoring trustee Smith & Williamson. Minonitor nila ang si-ngilan ng Grab hanggang Agusto 10. Ang P14.15 million ay para sa kanilang “extraordinary deviation” mula sa kanilang pangakong pres-yo. Pinatawan din ang Grab ng P2 million para…

Read More

JUSTIIS (JUSTICE DELAYED; JUSTICE DENIED)

PUNA

PANAHON na para mag-isip ang mga mambabatas sa bayan ni Juan dela Cruz kung paano mareresolba ang kalakaran sa mga korte kung bakit ang tagal ng mga kaso bago nadedesisyunan. Maraming mga kaso ang nilulumot sa tagal sa mga korte at marami rin sa kanila ay kinamatayan na lang ng mga akusado. Isa na po rito ang kaso ng Ampatuan Massacre na inabot ng 10 taon na kinamatayan ng pangunahing akusadong si Andal Ampatuan Sr. habang siya ay nasa Kidney Hospital siya sa Quezon City. Maraming miyembro ng Ampatuan family…

Read More

WARAYNON NAGBANTANG GAGANTI VS NPA

PUNA

MAY paglalagyan ngayon ang mga rebeldeng/teroristang New People’s Army (NPA) na may kagagawan ng pananambang sa mga pulis na pati sibilyan ay nadamay sa Brgy. Libuton sa bulubunduking area ng Brgy. Libuton, Borongan City noong “Friday the 13th”. Nagngingitngit sa galit ang Waraynon sa ginawa ng kanilang mga kamag-anak ng grupong kaaway ng gobyerno na itinuturing na teroristang NPA. Ang mga taga-Eastern Samar ay tanyag na matatapang dahil sa nangyaring giyera ng Waraynon vs Americans noong panahon ng mga Amerikano. Hindi nagtagumpay ang mga baril at machine gun ng mga…

Read More