FRIDAY THE 13TH AMBUSH SA BORONGAN CITY

PUNA

HINDI katanggap-tanggap sa mga taga-Eastern Samar ang ginawang pag-ambush ng mga rebelde/teroristang New People’s Army (NPA) sa mga kagawad ng Phi-lippine National Police (PNP) sa Borongan City na pati mga sibilyan ay dinamay noong Biyernes. Isang pulis ang patay at 14 na iba pa ang sugatan. Nakilala ang napatay na si Patrolman Mark Jerome Rama, sugatan naman sina Patrolman Capoquian, Patrolman Operario, Patrolman Luterte at Patrolman Sobrepena habang hindi naman nasaktan sina Patrolman Godino at Patrolman Pajanustan. Batay sa natanggap na info ng Puna mula sa mga taga-Eastern Samar naganap ang…

Read More

MAYNILAD, MANILA WATER LUMAMBOT KAY PRES. DIGONG

PUNA

HINDI na raw sisingilin ng dalawang concessionaires na Maynilad at Manila Water ang bilyun-bilyong pisong kanilang napanalunan laban sa gobyerno ng ‘Pinas na nadesisyunan sa Singapore court. Siyempre, alam na ng taumbayan kung bakit. Nagalit kasi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila dahil wala silang inisip kundi pagkakaperahan. Sabi nga ng mga mambabasa ng Puna, dapat lang gamitan ng kamay na bakal ni Pangulong Digong ang mga negos­yante na nagpapatakbo ng tubig dahil pangunahing pangangailangan iyan ng taumbayan. Kaya sa galit ng pa­ngulo sa Maynilad at Manila Water ay hindi na sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-extend ng kanilang kontrata hanggang 2037. Na ang…

Read More

ECONOMIC SABOTAGE VS 2 WATER CONCESSIONAIRES

PUNA

Masasampolan ng kasong economic sabotage kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water concessionaires sa ‘Pinas. Hindi nakuntento si Pangulong Duterte sa kanilang serbisyo, inaasahan niya na maaayos ang kanilang pangangasiwa ng tubig na nagsu-supply sa milyong katao sa greater Manila. Imbes na pagandahin ang kanilang serbisyo sa mamamayan ay puro pagkakakitaan umano ang nangyari. Kaya ngayon pursigido ang pangulo na ang Manila Water at Maynilad ay makatikim ng kulungan. Ang alam ng Puna ang kasong economic sabotage ay walang inilaang piyansa kaya baka magkatotoo ang sinabi ni Pangulong Duterte na…

Read More

PROYEKTO PARA SA BULACAN, ‘WAG HARANGIN NI SEC. DOMINGUEZ

PUNA

LINAWIN po natin kung bakit lumalakas ang panawagan ng mga taga Bulacan kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na ‘wag harangin ang international airport na itatayo sa lugar nila. Ang kalihim daw kasi ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang itatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan. Ang groundbreaking ng 15 bilyong dolyares na NMIA project ay dapat isinagawa na nitong pagpasok ng buwan ng Disyembre subalit hindi ito natuloy. Noong nakaraang linggo sinabi ni Department of Transportation Sec. Art Tugade na nakabinbin pa sa…

Read More

REGISTRATION NG SIM CARD SAGOT SA FAKE NEWS

PUNA

PINUNA ng mambabasa ng Puna ang sobrang luwag ng social media sa ‘Pinas. Kaya naman puro fake news ang lumalabas. Sinasakyan naman ito ng mga tao na may personal agenda. Tulad ng isyu sa kikiam na ipinakain daw sa mga kasali sa SEA Games. Hindi naman pala kikiam ‘yun, sa halip ay manok pala. Itinaon pa ang paglabas ng mga isyung negatibo laban sa sarili nating bansa ay ang pagtitipon ng iba’t ibang mga bansa na nagmula pa sa Southeast Asia kasama sa naturang okasyon. Tanong tuloy ng mga mambabasa ng Puna, nakatulong ba sa Inang Bayan…

Read More

BATAS VS ILLEGAL DRUGS MAHINA

PUNA

PINUNA ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Ricojudge (RJ) Echiverri na mahina ang batas laban sa ilegal na droga. Ginawa ni Echiverri ang pahayag kamakailan sa national celebration ng Drug Abuse Prevention and Control ng Dangerous Drugs Board. Sinabi nito na useless ang mga isinasampa nilang kaso laban sa mga mayor at gobernador na hindi tumutulong sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Bakit kaya? Madidismis lang ang mga kasong kanilang isinasampa. Kasi wala namang batas na magpaparusa sa kanila kung ayaw nilang tumulong sa…

Read More

IKA-156 KAARAWAN NI ANDRES BONIFACIO

PUNA

INALALA ng mga manggagawa kahapon ang ika-156 kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Siya ang Supremo ng Katipunan, kaya binigyan siya ng pagkilala at respeto ng mga manggagawa at mga opisyal ng gobyerno sa kanyang monumento sa Caloocan City. Hindi makalilimutan ng mga Pinoy ang mga naiambag ni Ka Andres sa ating lipunan kaya naman hanggang ngayon ay hinahangaan ang kanyang katapangan. Hindi siya nagpasindak kaninuman para ipagtanggol ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan. Si Bonifacio ay tulad ni Lapu-Lapu na lumaban sa mga mananakop na mga Kastila. Ang mga nagawa nila…

Read More

PINOY BEHAVE MUNA TAYO NGAYON

PUNA

SA halip na magbangayan at magsiraan tayong mga Pinoy ay suportahan natin ang ating mga pambatong atleta para sa SEA Games na idinaraos ngayon sa bansa. Hindi makatutulong ang mga negatibong komento na inilalabas sa social media. Makade-demoralize ito sa ating mga atleta. Kung totoo man na palpak ang organizer ng okasyong ito ay sampahan ng kaukulang kaso nang mapanagutan niya ang kanyang ginawang pagkakamali. Gawin ito pagkatapos ng okasyon. Hindi na tayo magtataka na hanggang ngayon ay may ginagawa pa na ilang area na pagdarausan ng ilang laro ng SEA Games dahil namihasa ang mga Pinoy na laging…

Read More

TAGUMPAY NG DDB

PUNA

Itinuturing ng Dangerous Drugs Board (DDB) na matagumpay ang kanilang katatapos na Drug Abuse Prevention & Control Week Celebration kahapon. Marami ang nakiisa mula sa academe, religious group, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, Philippine Army, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies na katuwang sa kampanya laban sa ilegal na droga. Pinangunahan ang okas­yon ni DDB chairman Catalino S. Cuy na dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sabi pa ni Senador Bato dela Rosa sa biro n’ya sa kanyang pananalita sa okasyon, si Mr.…

Read More