3 POULTRY FARMS ‘WAG TANTANAN

PUNA

Hindi dapat tumigil ang Sanitation Health Department ng San Miguel, Bulacan laban sa inirereklamong tatlong poultry farms na malangaw sa Brgy. Calumpang sa nasabing bayan. Hindi na mawala-wala ang dami ng langaw na nagmumula sa RTV-VTV 28 farm, J2 Plus farm at BIGA farm. Tuwing makalipas ang 28-araw ay nagha-harvest ang mga poultry farm na ito. Kaya naman sobrang daming langaw na napupunta sa mga kabahayan na mga katabi nito. Hindi po sabay-sabay nagha-harvest ang mga farm na ito kaya hindi na nawawalan ng langaw sa mga kabahayan. Matatagpuan po…

Read More

RFC WORKERS NA BINUWAG NANG MARAHAS PINUNA NI MAYOR VICO

PUNA

UMALMA si Pasig City Mayor Vico Sotto sa ginawang marahas na pagbuwag ng Regent Foods Corporation (RFC) sa 23 katao na nagsagawa ng piket sa kanilang pabrika sa nasabing siyudad. ‘Hindi sila mga kriminal’, ito ang sinabi ni Mayor Vico sa management ng RFC. Hindi n’yo pwedeng itulad si Mayor Vico sa ibang alkalde ng bansa na kumakampi sa mga may pera. Sa pangalan pa lang Vico, ibig sabihin sweet magmahal ang batam-batang alkalde ng Pasig. May pinagmanahan si Mayor, ‘di po ba, bossing? Sinabihan ng alkalde ang management ng RFC na iatras ang kaso laban sa 20 manggagawa.…

Read More

ANGKAS MAKABIYAHE PA KAYA SA 2020?

PUNA

Nakasalalay na sa gob­yerno ang kapalaran ng 27,000 Angkas riders kung makabibiyahe pa sila o hindi, pagpasok ng 2020. Ang nasabing motorcycle taxi ay binigyan ng ‘six-month pilot operations’ ng Department of Transportation (DOTr) para patunayan nilang ligtas sila bilang public transportation. Nagsimulang mag-operate ang Angkas noong nakaraang Hunyo at magtatapos ito sa Disyembre. Ibig sabihin, pwedeng magpatuloy at pwede ring hindi. Noong unang bumiyahe ang Angkas ay pinaghuhuli ang mga ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at DOTr dahil ilegal umano ang operasyon nito. Dahil dito, ang…

Read More

ILOG, SAPA AT ESTERO SA METRO MANILA PINAHAHANAP

PUNA

Pagkatapos ng ­‘clearing operations’ sa Metro Manila, gusto namang ipa­sunod ng mga taga-subaybay natin na hana­pin ang mga ilog, sapa at estero na tinakpan ng mga gusali. Ito raw kasi ang pinagmumulan ng pagbabaha sa Metro Manila kasi nga nawala na ang mga importanteng daluyan ng tubig baha. Kapag umulan nang malakas sa Rizal partikular sa Montalban, San Mateo at Antipolo, ang daloy ng tubig ay sa Marikina River at ­Laguna de Bay na kuma­kalat naman sa ibat ibang sapa, ilog at estero sa Metro ­Manila. Ang tubig-baha ay sa…

Read More

TECHVOC PINATAY NG K-12

PUNA

IMBES na makatulong sa mga Pinoy ang pagpapatupad ng K-12 Program ng Department of Education (DepEd) ay lalo pa itong nakasama. Bakit nasabi natin ‘yan? Pinatay kasi nito ang Technical Vocational o TechVoc. Ang TechVoc ay mga kursong mula anim na buwan hanggang dalawang taon ang pinakamatagal. Kabilang sa mga ito ay mekaniko, welder, mananahi, electrician, technician, 2-year course sa computer, secretarial at maraming iba pa. Ang mga nagtapos sa mga maigsing kursong ito ang magbibigay sana ng malaking ambag sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil mabilis silang nakapapasok…

Read More